BuzzerBeater Forums

Philippines - IV.27 > League IV.27 Power Rankings II

League IV.27 Power Rankings II

Set priority
Show messages by
From: PH-Yow
This Post:
00
154345.1
Date: 8/15/2010 12:54:49 PM
Overall Posts Rated:
11
Top 5 Power Rankings

1. The Caprianis (11-2)
Siya pa rin ang "capo" sa isang dahilan lamang - 136-125 victory laban sa Thumbfries Chickengator. Tinalo nga niya ang Philippines Cup defending champion sa naturang torneo pero pinatiklop naman siya ng Quasars at warriorz. Sabi ng happy red sox, "Caprianis ang magchachampion ngayong season" - magdilang anghel kaya ang happy red sox o magsasama-sama pa rin sila rito next season?

2. Thumbfries Chickengator (12-1)
Ang number one team ng League IV.27 in terms of win-loss slate. Kung tinalo niya lang ang Caprianis, siya sana ang number 1 sa Power Rankings.

3. Quasars (9-4)
Ang dark horse ng ligang ito. Sa napakaikling panahon ay napakabilis lumakas ng team na ito. Mula kaya ang team na ito sa ibang galaxy? (nasa pangalan niya eh)

4. happy red sox (10-3)
Happy pa kaya sa kanyang posisyon ngayon ang team ni nonilon? Tatanda na lang ba siya sa ligang ito o may mirakulo pa kayang mangyayari?

5. dumingag KaTuGa (9-4)
Sa bawat pelikula kailangan mo ng extra, ganyan din sa ligang ito.



Last edited by PH-Yow at 8/15/2010 12:55:54 PM

From: PH-Yow

This Post:
11
154345.2 in reply to 154345.1
Date: 7/16/2011 5:40:44 PM
Overall Posts Rated:
11
The Road to Redemption

Makalipas ang labing-isang buwan, dalawa sa mga teams na ito ay nag kampeon na. Ang tatlo ay naghahanap pa rin ng mga kasagutan.

Sa nakaraang elimination round ng Season 16, nagtapos sa loob ng top 3 ang tatlong teams na ito. Ang dating tinaguriang wash out team ay naging rebelasyon ng Season 16. Nanguna ang dumingag KaTuGa sa nasabing season at nagtala ito ng kauna-unahang undefeated season sa kasaysayan ng League IV.27. Sinundan naman ito ng karibal niyang Thumbfries Chickengator, na sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi nagtapos bilang numero uno sa Great 8 ng League IV.27 mula noong pumasok ito sa liga. Ito ring ang marka ng kauna-unahang season kung saan nanalo ang dumingag KaTuGa kontra sa Thumbfries Chickengator, sweep 2-0. Nagtapos naman bilang pangatlo ang happy red sox.

Matapos ang quarterfinals, dalawang koponan na lamang ang natitira...

Pinatumba ng Thumbfries Chickengator ang number 1 seed sa quarterfinals. Sa tinaguriang upset of the year, naipakita ng Thumbfries Chickengator na kayang manalo ng isang determinadong underdog na koponan laban sa isang powerhouse team.
Samantala, nakapasok naman ang happy red sox sa quarterfinals kontra sa bagong saltang mario batumbakal.

Dalawang koponan. Kapwa gutom sa kampeonato.

Pero... isa lang ang matitira.

Sino ang kakanta ng Redemption Song ni uncle Bob?

happy red sox vs. Thumbfries Chickengator