BuzzerBeater Forums

BB Philippines > U21 National Team Speeches

U21 National Team Speeches (thread closed)

Set priority
Show messages by
This Post:
11
326877.2 in reply to 326877.1
Date: 4/1/2025 9:47:51 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
244244
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Hello ulit mga bossing!

Ako si Leo, tatakbo muli bilang U21 manager sa susunod na dalawang seasons.

Di lingid sa kaalaman ng karamihan ng Pinoy managers kung gaano ako ka-"enthusiastic" sa usapang training. Ito ang tingin kong kailangang maimprove nating mga BB managers dito sa Pinas. Walang problema sa akin magshare ng aking nalalaman sa training, kaya rin natin nabuo ang training guide at training simulator na sana ay marami nang nakakabasa at nakakagamit ;)

Kung mas dumami ang maalam magtrain sa atin, mas lalawak ang player pools natin, parehong U21 at NT. At kung mas malawak ang pools natin, mas maraming pagpipilian ang mga coaches/managers natin, kumbaga mas marami tayong balang pwedeng ipukol sa mga kalaban natin. Ito ang isa sa mga long-term goals natin.

Gone are the days where we have bigs with no OD nor PA, or guards/wings with no IS nor ID. We need to train well-rounded players, players with minimal weaknesses in offense and defense. Balik tayo sa usapang bala, huwag na natin bigyan ng bala ang mga kalaban na ipupukol sa atin.

Siyempre kasama na sa goals natin ang pagkopo ng mga medalya (nakuha naman natin yun), at ang isang di ko pa nakukuha bilang U21 manager (at susubukan nating makuha), ang slot sa World Cup.

Sa tulong nyo at kooperasyon, makakamit natin ito. Looking forward sa pakikipag-usap sa mga trainers natin, lalo na sa mga bagong managers, o bagong teams (kuno). Maraming salamat!

- Leo