Magandang araw sa lahat!
Maraming salamat sa inyong mga boto. 2 seasons ulit tayong magkakasama para dalhin ang ating pambansang koponan tungo sa tagumpay. Same goal pa rin tayo this season sa U21, magka-medalya at muling makapasok sa World Cup next season.
Bago pa man ang eleksyon, nakapag-scout na tayo ng mga players na maaaring mapabilang sa ating U21 team, at pati na rin ang mga dumating na rookies. Nakapagmail na rin tayo sa kani-kanilang mga owners. Kaya kung tingin nyo ay may hawak kayong player/s na may chance makapasok sa U21 o Seniors team, at hindi pa kayo nakakareceive ng mail, maaari kayong magmail sa akin, Leo (
(54375)), o kay boss Mad-Rad (
(55059), Seniors team manager) kung ang inyong trainee ay may MVP, Hall of Famer o All-time Great na potential.
Ulitin lang natin, 18 lang ang slots natin sa team at 50+ mails ang sinesend natin kada season para alamin kung interesado ang isang manager na magtrain. Aware akong may mga hindi interesado magtrain kaya kailangan natin ng malaking buffer, at para na rin dumami ang ating pagpipilian. Kaya may mga hindi talaga makukuha sa team.
Ishare ko na rin ang mga posibleng rason kung bakit di nakukuha ang inyong player sa ating U21 team:
1.) Kapos sa skills - Ito ang pinakacommon na rason. Kahit nasunod ang training plan, kinukulang pa rin. Maaaring hindi siya pinalad pagdating sa injury at nagskip ang player ng ilang training week/s. Maaaring kulang pa ang trainer levels natin. Maaaring hindi maganda ang inyong training plan. O kaya...
2.) Malalim ang player pool para sa naturang posisyon - In relation ito sa #1. Maaaring marami na tayong players na kapareho ng iyong trainee, baka mas malakas pa.
3.) Hindi namamaintain ang Game Shape - isa rin ito sa tinitignan natin. Miinomonitor natin ang GS ng lahat ng players na may chance makapasok sa U21. Kadalasan hindi tayo nagpapalaro ng players na may 7GS, unless wala talaga tayong choice. Posible ito sa unang laban natin sa darating na Monday vs Vietnam U21 dahil halos kakasimula pa lang ng season, kaya maiintinidihan ko kung may mga 7GS pa. Pero sa mga susunod na linggo, magiging strikto tayo rito.
Sana ay maunawaan natin ang mga ito, lalo na sa mga managers na tingin nila hindi nakukuha ang kanilang player kahit ilang beses na nagtrain. Huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na magpalakas ng player. Isipin nalang din natin na kahit hindi siya makuha sa U21, magkakaroon naman tayo ng franchise player. It's still a win. ;)
Ayun, good luck sa ating lahat, at sa inyong mga league at cup games.
Maraming salamat,
Leo