ang focus training ay ang pag-train ng isang group ng trainees ng ilang linggo sa kakaunti lang na related skills. halimbawa: para sa bigmen - train mo ng 4 na linggo sa inside defense at 4 na linggo sa inside scoring. that way mas kita mo yung pops. in the shortest time, magiging specialized yung players mo - focused kung baga. after one season, expect ang salaries ng "focused players" to increase more than non-focused player. selling price nila mas mataas rin.
An illustration: Doon sa training speed analyses thread
(381.1), makikita mo yung expected time to train bago magkaroon ng pops. kapag hindi focused yung training or papalit-palit halimbawa inside defense ngayon, inside scoring next week, rebounding naman sa sunod, at shot blocking sa pang-apat na linggo malaking posibilidad na hindi ka man lang makakita ng isang pop. pero kapag apat na linggo sa inside defense for centers lang (assuming bata yung trainee at matangkad), expect dalawang pops after the 4th week sa ID. Kung ituloy mo another 4 weeks, pwede mo makita mag-pop yung secondary skills (DV, IS at SB). So after 7 weeks focused inside defense training yung player mo na nag-simula sa average inside defense ay prominent na ang skill. mahal na yan kapag ibenenta.
Magulo yata pag-explain ko pero tandaan mo lang, ang training tiyagaan lang. Walang shortcut sa training. Pwede rin yung hindi focused pero baka mainip ka dahil hindi mo agad makita yung results.