BuzzerBeater Forums

BB Philippines > NT-PILIPINAS THREADS(official)

NT-PILIPINAS THREADS(official)

Set priority
Show messages by
This Post:
00
225775.128 in reply to 225775.127
Date: 4/17/2013 9:38:40 AM
Talisay Lechoneros
III.2
Overall Posts Rated:
4646
ikaw b sinasabihan ko ng sipsip? kaya to EVERYBODY , meaning.. wla akong sinasabihan ng diretso... sinabe ko lang un kase nkakaumay na palakasan ng players by word sa NT natin.. bakit nde nalang natin hayaan ang coach mag decide.. kaya nga natin siya nilukluk diyan eh para hayaan siyang dumiskarte sa nararamdaman niyang mas makakabute sa team...ok lang naman ung mag suggest tayo.. pero kung paulit ulit ang singit ng pangalan ng player ibang intensyon na yan.

Ma guilty na ma guguilty i'm just saying the truth.

Last edited by Don Manoah at 4/17/2013 9:40:39 AM

This Post:
00
225775.129 in reply to 225775.128
Date: 4/17/2013 9:54:29 AM
Overall Posts Rated:
55
wlang problema kung kailangan mo ulit-ulitin ang name ng player, part yun ng laro.. kailangan mo ibenta o i-build up ang pambatong player mo sa mga u21/NT manager para makuha sila. Tama ka naman na ang coach prn ang magdedecide.. wla ka naman magagawa kht ilang ult mong sbhn na ipasok yung player mo sa NT. pero part pdn tlga ng laro yun. kailangan mong maintindhan yan. "It's part of the game"

This Post:
00
225775.130 in reply to 225775.129
Date: 4/17/2013 9:56:35 AM
Talisay Lechoneros
III.2
Overall Posts Rated:
4646
Part of a bad game.. nuff said.

This Post:
00
225775.131 in reply to 225775.130
Date: 4/17/2013 11:24:35 AM
Overall Posts Rated:
290290
Look whose talking. Season ago diba yan din ginawa mu kay Indig? Parang broken record na every opportunity magbroadcast sa kanya? :P Look in the mirror first Mr. Nz :P

This Post:
00
225775.132 in reply to 225775.124
Date: 4/17/2013 9:44:41 PM
Overall Posts Rated:
127127
pwede rin yan cezzz.
regarding sa SG with passing wala naman masama kung may passing ang SG malaking tulong din nga un para kung hindi kaya tumira kaya niyang ibigay ang bola na hindi maturn over un ang advantage ng SG na may passing unlike sa SG na pure shooter at walang passing mapapansin mong sobrang buwaya.hahaha
pero in relaity yan pero BB hindi natin masasabi yan..

@NZ: tama nga naman si lolo bago tau magsalita tingnan mo n natin ang sarili sa salamin kung hindi ba ntin ito ginawa dati? hindi naman sipsipan thread ito, lahat ng manager including me gusto kong makapasok ang isa sa mga player ko sa NT kay we need to promote them, si CEZZ n bahala kung maimpress siya o hindi at kukunin niya ito o hindi...sa kanya pa rin kasia ng huling disisyon.

This Post:
00
225775.133 in reply to 225775.132
Date: 4/17/2013 9:47:45 PM
Overall Posts Rated:
153153
pwede rin yan cezzz.
regarding sa SG with passing wala naman masama kung may passing ang SG malaking tulong din nga un para kung hindi kaya tumira kaya niyang ibigay ang bola na hindi maturn over un ang advantage ng SG na may passing unlike sa SG na pure shooter at walang passing mapapansin mong sobrang buwaya.hahaha
pero in relaity yan pero BB hindi natin masasabi yan..


i agree naman diyan, may ibang slot pa naman eh.. I'm still monitoring Calvert Manikan kasi siya ung pinakamalakas na SG na wala pa sa team ngayon. About kay Placer pala ghaz, yung kanyang stamina ang FT talaga ang kulang hehehe..

This Post:
00
225775.134 in reply to 225775.133
Date: 4/17/2013 9:54:34 PM
Overall Posts Rated:
127127
dont worry CEZZZ im not promoting placer for the spot in NT roster, its up to you naman eh..hindi ko n kasi matrain si placer dahil sa edad niya n rin at meron akong mga trainee na dapat i-train..
siguro hanggang jan na alng talaga si placer..pero kung kailangan mo siya sa team walang problema laging proficient or strong ang GS niya inaalagaan ko kasi ang GS niya..

This Post:
00
225775.135 in reply to 225775.124
Date: 4/17/2013 9:57:02 PM
Overall Posts Rated:
153153
Bagong recruit

Si Andrew Zacharias "Tirador" Parilla (18304089) - Tinaguriang Boy Tirador ng Jungle Bolo .45 dahil sa kanyang matinding abilidad sa pagiskor. Subalit hindi pa niya naiipakita ang tunay niyang potential dahil meron siyang dalawang guard na kasama sa team na mas binibigyan ng play kesa sa kanya nya. May 143 games siya, 13.4ppg at 4.7 apg.

This Post:
11
225775.136 in reply to 225775.133
Date: 4/23/2013 8:18:26 AM
Overall Posts Rated:
153153
Pilipinas, niyanig ang Iran sa obertaym. 94-82 (23556)

Nagdilang anghel naman si Mr. Nice Guy Cabutihan at nakaimbak siya ng 19 points 14 rebounds at iba pang "key play" para habulin ang 12point na lamang ng Iran sa 4th Quarter.

Pagkatapos ng dikit na 1st half, ay iniwan ng Iran ang Pilipinas hanggang umabot sa 12 ang lamang nila na may 9:02 minuto na lang ang natitira sa 4th quarter. Subali't nakaisip si Mr. Nice Guy Cabutihan ng paraan para makahabol, habang pinilit pumasok ni Ace Center Ghahremani ng Iran ay biglang inapakan ni Mr. Nice Guy Cabutihan ang paa nito at bumalagta na una ulo. Nainjured si Ghahremani pagktapos nun at hindi na bumalik pa.

Hindi lang iyon, ipinakita rin ni Mr. Nice Guy ang kanyang matinding blind passes at sa tulong nila George "Tsabit" Singson at ni Mr. Palengke Tronco, nahabol nila ang 12 points at umabot sa overtime. Simula nun, hindi na nakaporma ang Iran at nakaiskor lang ng 3 puntos sa obertaym.

"Ganda ng laro ng mga binsoy natin ngayon, 41 points sila lahat. Ano na lang kung sila ginawa kong 1st five no? Sayang, hindi mo talaga mahulaan ang perpormans ng isang player kahit mababa ang game shape nya." - sabi ni PH-cezzz


Twitter Rage

Maraming nagalit sa twitter dahil sa nakakahiyang performance ni Seryoso Dabandan na inaabangan ng lahat ng pinoy na maging kampi sila ni Dispo sa isang laro. "0/10? Saan na yabang mo? Larong kanto! #weaklungs" - tweet ni @MarceloDelPilay
"Ano ba yan? D na jitters yan. Pang Quitter performance yan!" sabi ni @Bakulot32. Tweet pa ni Abada, "Nakakatawa naman ito, naalala ko tuloy nung nilalampaso ko siya dati sa One on One."

Pero naging isport naman si Dispo, sapagka't hindi nya "masyado" nilait si Dabandan. Sa katunayan pa nga, sinabi rin ni Dispo na gusto niyang matuto ng mga moves kay Dabandan para mahasa pa ang laro niya. Pumayag naman si Dabandan sa gusto ni Dispo. "Wala naman problema sa amin dalawa ni Dispo. Alam mo naman ang media diba? Kung may nasabi kang pangit eh yung talaga iheheadline nila." - Dabandan.

Totoong Kinabukasan ng NT

Nagsalita na si Lyndon "The Future" de la Peña dahil sa pagaangkin ni Dispo sa pagiging kinabukasan ng NT. "Nakakasawa naman itong LQ nila Dabandan at Dispo, parang mga bata lang ano? At ano tong sinasabi ni Dispo na siya na daw ang FUTURE? Hilo ba siya? Nagkataon lang na limitado lang ang SF sa Pilipinas oi. AKO ang totoong Future dahil ako ang PG ng team. Bawiin nya yun! Baka pagtanda namin, hinding hindi ko iyan papasahan." - sabi nya.


Ang susunod nating makakatapat ay ang Macau. Sana gumanda ang GS ng ating mga manlalaro. Mabuhay!

This Post:
22
225775.137 in reply to 225775.136
Date: 4/24/2013 12:44:58 AM
Overall Posts Rated:
127127
NT Evaluation

Habang sinusubaybayan ng dating coach ng NT-Pilipinas ang kasalukuyang pamamahala ng ating butihing coach na si PH-Cezzz hindi niya maiwasang humanga sa mga gianagawang pakulo at entertainment ng Team dahil maraming nahihilig or sumusubaybay sa National Team natin.

Nakikita na ni PH-ghazny18 ang magandang bukas or "future" ng anting kuponan. kung magpaptuloy ito malaking chance na mailukluk ulit si PH-cezzz bilang tagapamahala or Coach ng NT-Pilipinas kung tatakbo siya ulit ##markang bungo make some noise. Twit ni PH-ghazny18. mukhang nagpasiklab pa ng away itong wargod ng Magauindanao.

Ayon sa report ng isang batikang sports journalist na si Marc Logan " ang improvement ng ating Team ay consistent at tuloy tuloy dahil maraming nainspired na manager at hinahasa ang mga batang player nila para sa kinabukasan ng NT-Pilipinas."

Dispo or de la Peña?

Dispo or de la Peña? yan ang malaking katanungan na umiingay sa twitter at facebook, maraming nagsasabing mapapalitan na ni Dispo si de la Peña sa kanyang titolong "The Future" dahil nagiging matunog na ang pangalan ng isang batang manlalaro na maaring papalit sa bibitawang posisyon ni Abada at Dabandan kapag silay reretiro na sa paglalaro ng NT-Pilipinas, pero ayon kay PH-ghazny18: " Naniniwala akong mas nakakaangat pa rin si Lyndon "The Future" de la Peña kay Dispo, kung susukatin natin ang kanilang kakayahan nila mas pipiliin ko si Dispo kahit maliit ang sahod niya pero nakakasabay siya sa mga kalaban niya na may malaking salary, pero kung sa developement ang batayan mas pipillin ko si Lyndon "The Future" de la Peña dahil mamaximize niya ang skill set niya dahil PG ang position niya kung si johnas Dispo ay pipiliin niyang maging SF magiging limitado ang ibang skill set niya dahil sa balance distribution nito."
Kung iisipin natin mabuti may point ang dating NT-manager.

Dagdag pa ni PH-ghazny18: " nung makita ko ang laro ni Lyndon "The Future" de la Peña nung nasa U21 pa siya humanga na ako, alam kong balang araw kayang niyang dalahin at pamunuan ang NT-Pilipinas kaya sa edad na 22 kinuha ko na siya bilang player ng NT para tuloy tuloy ang improvement niya at balang araw maging handa na siya."

Ang usaping ito ay mahirap bigyan ng conclusion dahil maraming pag-aaral at obserbasyon ang kailangan, para sa akin kahit sino man sa dalawa ang maging sandigan ng ating NT-Pilipinas sa Future, pareho silang dalawa magbibigay ng Inspiration at karangalan sa ating bansa.

-=M.G.A.D=- of DAILY SPORTS

Last edited by Herman Katipunan at 4/24/2013 12:48:06 AM

This Post:
33
225775.138 in reply to 225775.1
Date: 4/29/2013 10:40:20 PM
Overall Posts Rated:
153153
Macau vs Pilipinas 105-96 (23559)


Fantastic? O Plastic?

Naging supot ang laro ni Mr. Fantastic Abada. Pagkaraan ng ilang sunod sunod na magagandang perpormans, nakapuntos lang siya ng 10 at may 5/19 FG dahilan upang matalo ang Pilipinas sa Macau na may iskor na 105-96. "One on one? Yan ba yung sinasabi nyang nakatalo sa akin? Karma nga naman." - sabi ni Dabandan. Masyadong huli na ang mga 3 points na pinakawalan ni Discar at hindi naging sapat iyon para habulin ang napakalaking lamang ng Macau, nakatapos siya ng 13 points.

Si Askal Benedicto ang nakaimbak ng pinakamataas na puntos para sa koponan na may 22 points, 12 rebounds ngunit meron siyang 6 turnover at gumraduate sa mga huling oras. "Dalawang beses ko na nastart si Askal, at lahat yun talo. Hindi ako nagduda sa kakayahan niya, talagang malalakas lang naging kalaban niya." - sabi ni PH-cezzz.

Masyadong pisikal ang laro at talamak ang mga "cheap fouls" na binigay ng Pilipinas. Meron silang 27 fouls, dahilan na naka-27 puntos ang Macau sa FT line. "Jet lag ata ito? O sadayang malas lang talaga tayo. Walang chemistry sa loob ng court, walang kwenta, makawalang gana." - sabi ni Abada.

"Humihingi po ako ng paumanhin sa pagkatalo natin laban sa Macau, gusto ko lang makita si Pitoy Montallana bilang starting PG at gusto ko lang rin makita maglaro mga bata natin (Parilla at de la Peña)." - sabi ni PH-cezzz. "Wala rin tayong sapat na budget para sa private plane ng mga players natin. Kaya pasensya na sa mga spoiled players sa koponan natin. Tiis tiis na lang tayo sa mga planes ha? Pati na rin sa luto ni Chef Inday, nawalan na ata siya ng gana magluto kasi hindi niya masyado nakikita si Boy Conyo Sepulveda." - pahabol pa niya.

Kasalakuyang nasa 2nd place tayo sa 1st round dahilan para makapasok tayo sa 2nd round. http://www.buzzerbeater.com/world/standings.aspx?teamid=5... Salamat sa suporta especially sa mga nanood ng live games natin. Mabuhay!

Advertisement