Pilipinas, niyanig ang Iran sa obertaym. 94-82 (23556)Nagdilang anghel naman si Mr. Nice Guy Cabutihan at nakaimbak siya ng 19 points 14 rebounds at iba pang "key play" para habulin ang 12point na lamang ng Iran sa 4th Quarter.
Pagkatapos ng dikit na 1st half, ay iniwan ng Iran ang Pilipinas hanggang umabot sa 12 ang lamang nila na may 9:02 minuto na lang ang natitira sa 4th quarter. Subali't nakaisip si Mr. Nice Guy Cabutihan ng paraan para makahabol, habang pinilit pumasok ni Ace Center Ghahremani ng Iran ay biglang inapakan ni Mr. Nice Guy Cabutihan ang paa nito at bumalagta na una ulo. Nainjured si Ghahremani pagktapos nun at hindi na bumalik pa.
Hindi lang iyon, ipinakita rin ni Mr. Nice Guy ang kanyang matinding blind passes at sa tulong nila George "Tsabit" Singson at ni Mr. Palengke Tronco, nahabol nila ang 12 points at umabot sa overtime. Simula nun, hindi na nakaporma ang Iran at nakaiskor lang ng 3 puntos sa obertaym.
"Ganda ng laro ng mga binsoy natin ngayon, 41 points sila lahat. Ano na lang kung sila ginawa kong 1st five no? Sayang, hindi mo talaga mahulaan ang perpormans ng isang player kahit mababa ang game shape nya." - sabi ni PH-cezzz
Twitter RageMaraming nagalit sa twitter dahil sa nakakahiyang performance ni Seryoso Dabandan na inaabangan ng lahat ng pinoy na maging kampi sila ni Dispo sa isang laro. "0/10? Saan na yabang mo? Larong kanto! #weaklungs" - tweet ni @MarceloDelPilay
"Ano ba yan? D na jitters yan. Pang Quitter performance yan!" sabi ni @Bakulot32. Tweet pa ni Abada, "Nakakatawa naman ito, naalala ko tuloy nung nilalampaso ko siya dati sa One on One."
Pero naging isport naman si Dispo, sapagka't hindi nya "masyado" nilait si Dabandan. Sa katunayan pa nga, sinabi rin ni Dispo na gusto niyang matuto ng mga moves kay Dabandan para mahasa pa ang laro niya. Pumayag naman si Dabandan sa gusto ni Dispo. "Wala naman problema sa amin dalawa ni Dispo. Alam mo naman ang media diba? Kung may nasabi kang pangit eh yung talaga iheheadline nila." - Dabandan.
Totoong Kinabukasan ng NTNagsalita na si Lyndon "The Future" de la Peña dahil sa pagaangkin ni Dispo sa pagiging kinabukasan ng NT. "Nakakasawa naman itong LQ nila Dabandan at Dispo, parang mga bata lang ano? At ano tong sinasabi ni Dispo na siya na daw ang FUTURE? Hilo ba siya? Nagkataon lang na limitado lang ang SF sa Pilipinas oi. AKO ang totoong Future dahil ako ang PG ng team. Bawiin nya yun! Baka pagtanda namin, hinding hindi ko iyan papasahan." - sabi nya.
Ang susunod nating makakatapat ay ang Macau. Sana gumanda ang GS ng ating mga manlalaro. Mabuhay!