Umpisa ng 2nd round. HK 93 - PH 81 (24121)Nadismaya ang mga tagahanga ng koponan ng Pilipinas dahil sa kanilang pagkatalo sa unang laro ng 2nd round. Ginamit ng Hong Kong ang 29-13 na iskor sa 4th quarter para masigurado ang panalo nila. Lamang ang team Pilipinas sa half time na may iskor na 52-43 pero may 5 fouls na sila Mr. Nice Guy Cabutihan at Kuya Greggy Crisostomo.
"Nakakabadtrip talaga, umasa akong manalo tayo dahil sa lamang natin pero na"choke" sila nung 4th Quarter." - sabi ng isang fan.
Si Fantastico Abada ay may pinakamataas na puntos para sa Pilipinas na may 19 pts pero may 9/25 FG siya, kasunod nito si Azkal Benedicto na may 16 pts at 12 rebounds, si Angel naman ang pumapangatlo na may 13 points sa loob lang ng 20 na minutos.
"Sayang talaga si Mr. Nice Guy, kung hindi lang siya foul trouble malamang hindi na makakaporma ang Hong Kong dahil epektibo ang ginagawa nyang low post sa kalaban." - sabi ng isang analyst.
Kondisyon ng mga startersNaging isyu pa rin sa buong team Pilipinas ang kondisyon ng dalawang manlalaro natin na sina
Alvin "Mr. Bean" Votorillo at si
Rodney "Mr. Palengke" Tronco. Apat (4) na sunod sunod na linggo na pangit ang kundisyon nila lalo na si Mr. Palengke. Sa panayam ni Ka Edgar kay PH-cezzz sa Radyo Bola 96.9 (swak na swak!â„¢), ay sinabi niyang baka mapalitan niya itong mga manalalarong ito kung hindi maayos ang kanilang kondisyon sa susunod na linggo.
"Ka Edgar, naintindihan ko na may Cup Games pa sila, kahit sino naman gusto manalo doon db? Ahhhh, talagang wala akong magagawa na pinapalaro pa sila ng 3 beses sa isang linggo. Propesyonal na managers na sila dahil may mga produkto silang malalakas na player, pero kung wala talaga akong magagawa kundi palitan sila kung hindi pa rin sila nasa kundisyon. 2nd round na ito, KAILANGAN ko ang serbisyo nila." - PH-cezzz
Bagong mga Mukha.Nagtataka ang mga fans na may dalawang kenkoy na naglaro noong huling laban. Lahat sila ay napa "sino yan?" sa kanila.
Alberto Fernando "Bagets" Tolones (18306097) - 26 years old pa lang, hindi man naging U21 player eh tuloy tuloy pa rin ang pagtrain sa kanya ng manager. May
21 ppg, 5.7 apg, 1.5 spg sa 198 games.
Wenresti "Angas" Feca (19838205) - malaking expectation ko dito sa manlalarong ito dahil noon U21 pa lang eh nagpromise ang manager na gawin nyang NT subalit naban yung unang manager, swerte naman siya at pinagpatuloy pa rin ang pagsasanay sa kanya ng bago nyang manager. Nakalaro ng 1 beses sa U21 games, 5 time Allstar. May
17.6ppg, 12.2rpg, 1.5bpg at 1.0spg sa 170 na laro.
Kumpleto na ang NT roster natin ngayon pero sabi ko nga na malamang may papalitan akong 2 players sa team. Ang pinakabata natin ngayon ay si
Johnas Dispo na may 22 taong gulang at pinakamatanda naman ay mga
sweet couple na sina
Charlie Pelesco at
Franciso Abada na may 32 taong gulang. May
8 players tayo na 26yo pababa at sana patuloy pa rin ang pagtrain ng mga bagong players para sa NT. Magtulungan po tayo. Mabuhay!