BuzzerBeater Forums

BB Philippines > NT-PILIPINAS THREADS(official)

NT-PILIPINAS THREADS(official)

Set priority
Show messages by
This Post:
33
225775.139 in reply to 225775.138
Date: 5/6/2013 9:11:39 PM
Overall Posts Rated:
153153
Umpisa ng 2nd round. HK 93 - PH 81 (24121)


Nadismaya ang mga tagahanga ng koponan ng Pilipinas dahil sa kanilang pagkatalo sa unang laro ng 2nd round. Ginamit ng Hong Kong ang 29-13 na iskor sa 4th quarter para masigurado ang panalo nila. Lamang ang team Pilipinas sa half time na may iskor na 52-43 pero may 5 fouls na sila Mr. Nice Guy Cabutihan at Kuya Greggy Crisostomo. "Nakakabadtrip talaga, umasa akong manalo tayo dahil sa lamang natin pero na"choke" sila nung 4th Quarter." - sabi ng isang fan.

Si Fantastico Abada ay may pinakamataas na puntos para sa Pilipinas na may 19 pts pero may 9/25 FG siya, kasunod nito si Azkal Benedicto na may 16 pts at 12 rebounds, si Angel naman ang pumapangatlo na may 13 points sa loob lang ng 20 na minutos. "Sayang talaga si Mr. Nice Guy, kung hindi lang siya foul trouble malamang hindi na makakaporma ang Hong Kong dahil epektibo ang ginagawa nyang low post sa kalaban." - sabi ng isang analyst.

Kondisyon ng mga starters

Naging isyu pa rin sa buong team Pilipinas ang kondisyon ng dalawang manlalaro natin na sina Alvin "Mr. Bean" Votorillo at si Rodney "Mr. Palengke" Tronco. Apat (4) na sunod sunod na linggo na pangit ang kundisyon nila lalo na si Mr. Palengke. Sa panayam ni Ka Edgar kay PH-cezzz sa Radyo Bola 96.9 (swak na swak!™), ay sinabi niyang baka mapalitan niya itong mga manalalarong ito kung hindi maayos ang kanilang kondisyon sa susunod na linggo. "Ka Edgar, naintindihan ko na may Cup Games pa sila, kahit sino naman gusto manalo doon db? Ahhhh, talagang wala akong magagawa na pinapalaro pa sila ng 3 beses sa isang linggo. Propesyonal na managers na sila dahil may mga produkto silang malalakas na player, pero kung wala talaga akong magagawa kundi palitan sila kung hindi pa rin sila nasa kundisyon. 2nd round na ito, KAILANGAN ko ang serbisyo nila." - PH-cezzz


Bagong mga Mukha.

Nagtataka ang mga fans na may dalawang kenkoy na naglaro noong huling laban. Lahat sila ay napa "sino yan?" sa kanila.

Alberto Fernando "Bagets" Tolones (18306097) - 26 years old pa lang, hindi man naging U21 player eh tuloy tuloy pa rin ang pagtrain sa kanya ng manager. May 21 ppg, 5.7 apg, 1.5 spg sa 198 games.

Wenresti "Angas" Feca (19838205) - malaking expectation ko dito sa manlalarong ito dahil noon U21 pa lang eh nagpromise ang manager na gawin nyang NT subalit naban yung unang manager, swerte naman siya at pinagpatuloy pa rin ang pagsasanay sa kanya ng bago nyang manager. Nakalaro ng 1 beses sa U21 games, 5 time Allstar. May 17.6ppg, 12.2rpg, 1.5bpg at 1.0spg sa 170 na laro.

Kumpleto na ang NT roster natin ngayon pero sabi ko nga na malamang may papalitan akong 2 players sa team. Ang pinakabata natin ngayon ay si Johnas Dispo na may 22 taong gulang at pinakamatanda naman ay mga sweet couple na sina Charlie Pelesco at Franciso Abada na may 32 taong gulang. May 8 players tayo na 26yo pababa at sana patuloy pa rin ang pagtrain ng mga bagong players para sa NT. Magtulungan po tayo. Mabuhay!

This Post:
11
225775.140 in reply to 225775.139
Date: 5/13/2013 9:35:35 PM
Overall Posts Rated:
153153
Pilipinas(45) vs Saudi Arabia(39) 114-101 (24125)


Dismayado ang Team Pilipinas sapagka't hindi sila nakaboto, subali't hindi iyon naging hadlang para ilampaso ang Saudi Arabia sa iskor na 114-101. Inumpisahan ng mga Pinoy ang magandang 1st quarter sa iskor na 32-22, si The Pope Evangelista ay nakatala ng perpektong 6/6 FG sa 1st quarter na may 12 points, nakatapos siya ng 29 points sa buong laro. Bumalik naman sa "Fantastic Form" si Abada dahil sa kanyang mga superstar moves at nakaimbak siya ng 27 points at 10 rebounds.
Matinding panalangin talaga ng kapag starter si Evangelista, biruin mo bawat tira niya may kasamang dasal. - patawang sabi ng fan.
Gumana ulit ang combo ni Wonder Boy Pelesco at Kuya Greggy Crisostomo na may kabuuang 15 assists at 9/17 FG.

Kahit na pangit ang kondisyon ng ibang players, nakayanan pa rin ng Pilipinas na manalo kahit mas bumigay ang Saudi Arabia. Sabi nga ni PH-cezzz,
Malakas ang pers payb ng Saudi, proficient ang GS pero mas malakas ang puso ng koponan natin, Legendary. Sana sa susunod na laro lalo na kung Iran ang kalaban natin ay maging maganda ang kundisyon ng ibang manlalaro. Wala na rin sa cup iyong iba diba? Sana maayos na ang lahat at patuloy tayong maging dominante ulit.


Kasalukuyang nasa #2 tayo sa istanding. Ang susunod nating makakalaban ang ang Team Malaysia. Sana marami ng manood dahil tapos na ang eleksyon. Mabuhay Pilipinas!

Last edited by PH-cezzz at 5/13/2013 10:32:42 PM

From: j.fran

This Post:
00
225775.141 in reply to 225775.140
Date: 5/13/2013 10:35:15 PM
Cebu Orcas
II.1
Overall Posts Rated:
00
Kailan po ba and sunod na laro ng Team Pilipinas?

=Mabuhay and Pinas=

From: j.fran
This Post:
00
225775.142 in reply to 225775.140
Date: 5/13/2013 10:43:12 PM
Cebu Orcas
II.1
Overall Posts Rated:
00
Hello po mga Managaers. Puwede po bang humingi ng mga tips para may chance ding maging NT players mga bata ko?
Salamot po.

=Mabuhay and Pinas=

This Post:
00
225775.143 in reply to 225775.142
Date: 5/15/2013 4:24:20 AM
Overall Posts Rated:
127127
you can BB-mail me..
tanong k lng sa lahat ng gusto mong malaman.hehehe

Message deleted
This Post:
00
225775.145 in reply to 225775.11
Date: 5/18/2013 11:53:29 AM
Tamurong Spurs
III.10
Overall Posts Rated:
55
> kaya hindi kagandahan ng takbo ng ating bansa ay dahil sa hindi natin pagkakaisa at bagkos nananaig ang negatibong elemento, opinion at pag iisip ng iba sa atin.ito'y nakikita rin sa ating mga pinoys na kasali dito sa BB. sa akin itong lumalabas na isyu sa NT ay sa unang tingin negatibo pero kung ating pag isipan ng malalim at tingnan ng pansin ng mahabang panahon, ako sa aking pananaw ay isang positibong isyu at magandang pag usapan ng masinsinan at nasa madiplomasyang usapan..alam nyo mga kapwa ko "addict" o sobrang intresado sa basketball ito ay isang "sense" lang ng ating "super competitiveness" sa larangan ng basketball....
> suggestion ko lang:: ano kaya kung gawin natin "in a democratic way" palagi ang mabigat at importanteng isyu sa loob ng NT... ibig sabihin bago mag desisyon ang ating NT manager , eh idaan sa pagkuha ng opinion, suggestions sa mga kasali ng NT staff kung hindi man pwedeng gawin sa mga buong pinoyz na actibong naglalaro ng BB at pagkatapos noon dalhin natin sa pag boto at ang mananalo yun ang gagawin ng NT manager.... ang mga pinoy ay masayahin at nagkakaisa sa lahat ng bagay!!!! Salamat poh

This Post:
00
225775.146 in reply to 225775.145
Date: 5/18/2013 9:43:54 PM
Overall Posts Rated:
1313
ano ba yung sinasabi mo hindi magandang takbo ng NT......yung kasalukuyang NT o yung dating NT? matanong ko lang ha...huwag ka magagalit.........gusto mong lagyan ng red tape ang pag desisyon ng NT manager? lagyan ko ng konting paliwanag....baka hindi malinaw sa yo ang salitang red tape......gusto mong sumanguni muna sa iba' ibang myembro ng NT staff at kunin ang kanilang desisyon at daanin sa boto bago kumilos ang NT manager? at tingin mo napakatalinong idea nito? hhhmmmm bagamat ikaw ay nagbigay lang ng opinyon.....pinakita naman nito ang kakulangan mo sa pag intindi....kung ano ang nararapat gawin.

ang panahon para sumanguni at magdesisyon ang lahat ng BB pilipinas players...ay tapos na...ito ay sa pamamagitan ng eleksyon.....sa kadahilanan na hindi pwede masunod ang lahat ng gusto o opinyon...ng mga BB pilipinas player...tayo ay pumili ng isang tao....na magdedesisyon para sa lahat.....at ito ay ginawa natin sa pagboto.....at nanalo ang taong...sa tingin ng karamihan....ay gagawin at hahawakan ang NT ng ayon sa tingin nila ay tama. (ako hindi ko binoto tong kasalukuyang NT manager...kulang kasi ang alam nito sa laro.....pero yun ay opinyon ko lang at hindi ng karamihan)

ito na lang ang saksak mo sa kokote mo....ng madagdagan ang laki at baka gumana ng maayos....iisa lang ang kapitan ng barko....sya ang may hawak ng timon.....kung saang direksyon nya tayo dalhin....yun ang ating paroroonan.....huwag sana sya masyadong makinig sa mga backseat driver...na gusto agawin ang manibela sa kanya.....sya lang ang pwede magdesisyon.....pwede sya makinig sa opinyon ng iba...pero sya pa rin ang magdedesisyon....sya ang may karapatan at sya lang ang nilagay ng mga bumoto sa kanya dyan. gusto mo gawin ang mga idea mo sa NT?.....tumakbo ka sa eleksyon.

nawa ay naliwanagan ka....paminsan minsan ay nagpapaliwanag ako....para maintindihan ng iba.....ang maling pag intindi mo ay hindi mo kasalanan...sadya lang na pinanganak ang iba na may maliit na utak....at hindi pinalad na maging katulad ko.

alam ko magpapasalamat ka sa akin dahil naliwanagan ka....eto ang sagot ko....walang anuman welcome po.

This Post:
00
225775.147 in reply to 225775.146
Date: 5/19/2013 9:14:05 PM
Overall Posts Rated:
153153
Bye Votorillo?

Isang napakalungkot na pangyayari ang naganap dahil magreretiro na si Alvin "Mr. Bean" Votorillo (20125275). Hinayaan na ng manager ang kanyang koponan at buti na lang nasa NT team siya dahilan para magamit pa siya sa susunod na mga laro. Nasa transfer list ngayon si Votorillo sa halagang 1 million. Kaya kung sino may gusto ng NT player na subok na sa kalidad ay sana bilhin siya.

Sa ngayon, nakasalalay na lang ang ating team sa laki ni Angel "Mr. Nice Guy" Cabutihan, Marion "Askal" Benedicto ang pagiging starter sa bigs. Sana ay mapatuloy pa rin ang maganda nilang game shape. Kung sakali mawawalan man ng isang napakalakas na manlalaro ang koponan natin eh hindi pa rin mawawala ang kanilang matatag na puso.

This Post:
00
225775.148 in reply to 225775.146
Date: 5/20/2013 1:13:37 AM
Tamurong Spurs
III.10
Overall Posts Rated:
55
eto rin isaksak mo sa kokote mo!!! ewan ko kung nakita mo ang point ko positively... ayosin mo pananalita mo, hwag kang magsalita na angas kalye at bastos kasi mga BB manageers, bagamat ito ay "virtual game", may pinag aralan at may mga utak....
ang point ko lang ay dapat may pagkakaisa ang mga pinoy na naglalaro ng BB.... kaya nga may sinabi na NT staff para may kaagapay ang NT sa pagdedesisyon...hwag mong ilagay ang negatibong aspeto ng red tape kunti ang positibong anyo nito,,, for sure, sa galing mo ay alam mo ang positibong anyo ng red tape...
hindi ako magpapasalamat sa iyo kasi hindi maliwanag sa akin ang paliwanag mo .... at ako'y nagsusugest laang!!!

This Post:
00
225775.149 in reply to 225775.148
Date: 5/20/2013 1:38:17 AM
Overall Posts Rated:
1313
ha ha ha...walang saysay kausapin pa to....sino mang nakabasa ng sinulat mo nung una....ay madaling maintindihan ang kakulangan ng utak mo....pwede ka mag kunwari o lokohin ang sarili mo...pwede kang mag focus kesyo bastos daw at nasaktan ang damdamin mo at hindi ka nakatulog ng ilang gabi....pero hindi mo maloloko ang iba sa tunay na isyu....alam nila at nasusukat ang kakayahan ng utak mo.....mi walang negatibo o positibong epekto ang red tape sa simpleng pag cocoach ng isang team....dahil micro management lang ang categoriya nito at hindi buong gobyerno....ang laki...kaya nga isang coach lang ang opisyal na kailangan at pinagbotohan....siguro susunod ihihirit mo rin na magboto pa ng scout, consultant, secretary, treasurer...ganun kahina utak mo para isipin na may negatibo at positiubo pang paghahati ng anyo sa pag coach ng NT.

Advertisement