Una, bago ako magsimula, gusto ko sabihin na job well done sa pagprepare niyo para sa NT games. Pero siyempre, tao lang tayo lahat at nagkakamali tayo. Bilang bahagi ng Pilipinas siyempre may karapatan naman kami magreklamo diba? Dahil tumakbo si Ghazny sa elections at hindi naman siya pinilit dito, dapat willing siya magtake ng criticisms. Same rin sa mga nagvolunteer para sa NT staff. So ano nga ba ang main issues ng NT ngayon?
1. Pagretire ng mga NT worthy players - most likely alam niyo na most likely mareretire na si Alex III Samonte. Unang tanong ko ay may magagawa ba kayo para isave siya? Pangalawa, bakit hindi siya naging part ng NT? Nakita ko sa facebook groups na matagal niyo na siya nascout, at para sa akin, mukhang worthy naman siya para sa isang roster slot.
2. Including personal interests over the interest of the country - naging issue rin ito pero sa tingin ko nasolve na ito ng NT staff. So good job dito at hopefully hindi na siya maulit.
3. Paghamon na tumakbo sa NT - wala itong maidudulot na maganda. Ang dahilan kung bakit nagrereklamo ang mga managers ng BB ay dahil concerned sila sa ating national team. Hindi ito dahil sa tingin nila hindi niyo kaya magpatakbo ng NT. Kaya sana huwag kayo maghamon ng iba na tumakbo sa NT.
Ayun lang. Sana matapos na rin ang issue na ito about sa NT. :)