Bye Votorillo?Isang napakalungkot na pangyayari ang naganap dahil magreretiro na si Alvin "Mr. Bean" Votorillo
(20125275). Hinayaan na ng manager ang kanyang koponan at buti na lang nasa NT team siya dahilan para magamit pa siya sa susunod na mga laro. Nasa transfer list ngayon si Votorillo sa halagang 1 million. Kaya kung sino may gusto ng NT player na subok na sa kalidad ay sana bilhin siya.
Sa ngayon, nakasalalay na lang ang ating team sa laki ni Angel "Mr. Nice Guy" Cabutihan, Marion "Askal" Benedicto ang pagiging starter sa bigs. Sana ay mapatuloy pa rin ang maganda nilang game shape. Kung sakali mawawalan man ng isang napakalakas na manlalaro ang koponan natin eh hindi pa rin mawawala ang kanilang matatag na puso.