BuzzerBeater Forums

BB Philippines > NT-PILIPINAS THREADS(official)

NT-PILIPINAS THREADS(official)

Set priority
Show messages by
This Post:
33
225775.158 in reply to 225775.157
Date: 7/21/2013 4:46:21 PM
Overall Posts Rated:
153153
Consolation Tournament

Kasalukuyang nasa ika-26 na pwesto ang Team Pilipinas sa torneyo na ito. Natalo ang team Pilipinas sa UAE sa kanilang unang laro 101-95 (24879). May 23 na diperensya sa rebounding sa laro na iyan, isa sa dahilan kung bakit natalo ang ating koponan. Isa ring dahilan ay pagkamit ng 24 fouls. Nauuna si Pitoy Montallana na may 18 pts at 9 assists para sa team Pilipinas.

Ang pangalawang laro ay laban sa Island (Iceland) na may iskor na 97-85 (24916). Nagkaroon ng matinding problema sa kundisyon ang mga manlalaro natin diyan dahilan upang magnormal ang ating koponan. Si Pitoy Montallana ulit ang nangunguna sa puntos na may 23. Si Azkal Benedicto naman ay tumala ng 18 points at 18 rebounds.

Ang pangatlong laro ay laban sa bansang Brazil na ika-23 sa rankings. Nanalo ulit tayo sa unang paging starter ni Calvert "Pihikan" Manikan (18306077) na nakaimbak ng 28 points, dahilan para nakakuha siya ng respeto sa coach na pwede pala siya maging starter. 100-83 ang iskor (24978).

Nanalo ulit tayo sa ika-apat na laban na kung saan ay ang bansang Vietnam ang ating nakalaban 122-115 (24992). Muntikan na tayong matalo sapagkat natambakan tayo sa 3rd quarter. Pero hindi sumuko ang ating mga manlalaro dahilan ng nagkaskor tayo ng 38-25 sa 4th quarter. 32points na may 11/14 FG at 14 rebounds ang naibigay ni Mr. Nice Guy Cabutihan para sa ating koponan. Si Mr. Palengke Tronco naman ay bumalik na rin ang kundisyon sa paglalaro at nakabigay siya ng 25 points at 9 assists.

Sa unang pagkakataon ay umabot sa strong ang rebounding ng ating koponan sa kanilang huling laro. Malaking problema para sa atin ang rebounds dahil sa pagkawala ni George Singson at Alvin Votorillo. Sana ay magsasanay pa ang ating mga kababayan ng mga Totoong Sentro na may malakas na rebounding skill. Mabuhay!


Mga bago ngayon sa ating koponan:

Calvert "Pihikan" Manikan (18306077) - pihikan sa kanyang laro, minsan bwaya minsan hindi pero subok na epektibo naman sa pagiskor at depensa.

Mark Anthony "Tiktik" Querouz (15039265) - ang FP ng team, feeling pogi. Sa sobrang dami ang tinitripan na babae ito eh nangiwi ang kaliwang pisngi dahil sa mga sampal nila. Ang kapalit ni Abada pero hindi kasing fantastic subalit walastik lang.

Bernard "Lampin" Delfin (19835050) - ang crybaby ng koponan, ugaling Demarcus Cousins pero kasing galing naman nya.

Vicencio "The Skywalker" Octaviano (21313538) - Wag paloko sa kanyang position sapagkat kaya nyang maging SF.

This Post:
33
225775.159 in reply to 225775.158
Date: 8/12/2013 9:12:36 PM
Overall Posts Rated:
153153
Bawi sana (25159)

Balak bumawi ng Team Pilipinas dito sa Buzzerbeater laban sa Iran pagkatapos nilang nilampaso ang GILAS sa FIBA Asia Tournament. Ngunit kinapos pa rin. Walang Haddadi dito pero meron naman silang Fard na nakapuntos ng 19 at may 14 rebounds.

Sa unang pagkakataon ay ginamit ni PH-cezzz at 3 bigs lineup, para sa kanya tagumpay ang nangyari. "Umabot na rin sa prominent ang rebounding ng ating koponan, ganito rin siguro gagawin ko sa sunod. Hindi natin alam kasi may mga tirador tayo sa tres, malamang magmomotion pa rin ako." - sabi nya.

Lamang ang Pilipinas sa 3rd quarter ng 6 na puntos subali't inumpisahan ng Iran ang 4th quarter na may 8-2 run. Simula nun ay nakalayo na ang Iran sa humigit na sampu ang lamang. Hindi pa rin natapos ang laban subali't humabol ang Team Pilipinas sa huling 2 minutes ng laro dahilan upang makahabol ang koponan. 25 na segundo na lang at lamang ang Iran 89-87, minadali ni Wenresti Feca na tumira sa tres at siya'y nabigo. "Kulang tayo sa clutch player, nawala na kasi si Mr. Fantastico Abada eh. Sana magensayo pa ng mabuti ang mga posibleng player na magaling sa clutch gaya ni Feca, Dispo, Discar at maging si Manikan." - sabi ng isang assistant.

Feca - 20, Evangelista - 17, Manikan 14, Querouz - 9, Cabutihan- 6 fouls ulit

Kinailangan ng Iran ang larong iyon upang makapasok sa top 32 kaya sila nag normal at TIE tayo. Kasalukuyang nasa rank 12 ang Pilipinas sa torneyo at ang posible nating makakalaban sa knockout rounds ay ang walang awang Israel (na may world rank na 39). Lamang ang Israel sa galing ng kanilang manlalaro pero mas lamang tayo sa puso ng ating manlalaro. Mabuhay!

Last edited by PH-cezzz at 8/12/2013 9:19:56 PM

This Post:
00
225775.160 in reply to 225775.12
Date: 9/15/2013 9:50:23 PM
Overall Posts Rated:
00
may NT game po ba ngayon? at pwede po ba namin toh mapanuod?

This Post:
00
225775.161 in reply to 225775.160
Date: 9/16/2013 1:26:15 AM
Overall Posts Rated:
153153
Wala eh, hindi inaccept ng mga inimbita kong countries ang hamon ko na friendly game sa kanila..

This Post:
00
225775.162 in reply to 225775.1
Date: 3/13/2014 12:16:58 PM
Overall Posts Rated:
118118
This Post:
00
225775.163 in reply to 225775.161
Date: 4/7/2014 12:31:39 AM
Overall Posts Rated:
153153
Hi everyone, thank you for voting me again as your NT manager. My goal this season is the development of our young players and try to land them on a high league team who will train them or maintain their Game Shape. As of now, i am still scouting and I will post some introduction (like I did before) and hopefully the managers will participate on the roleplaying just like we did before. Mabuhay Pilipinas! D ako maging hypocrite para sabihin na d ko aasahang magchamp tayo pero susubukan ko with our current rosters to grab a trophy this season. Salamat sa suporta..:)

This Post:
00
225775.164 in reply to 225775.163
Date: 4/7/2014 2:06:33 AM
Jeorgians
PPL
Overall Posts Rated:
139139
congrats coach cezzz!

yan ang spirit ng NATIONAL TEAM manager! LABAN PILIPINAS! :-)

This Post:
00
225775.165 in reply to 225775.163
Date: 4/7/2014 3:10:06 AM
Overall Posts Rated:
290290
Master Cezzz glad to see you back at your throne. Bow :P

From: Obi

This Post:
00
225775.166 in reply to 225775.163
Date: 4/7/2014 4:41:42 AM
Overall Posts Rated:
9595
Congrats sa panalo - mag post ka sa ppl forum kung may kailangan amponin na NT player para mapagusapan kung sino ang bibili. Tulungan kita mag convince.

From: PH-cezzz

To: Obi
This Post:
00
225775.167 in reply to 225775.166
Date: 4/7/2014 7:46:46 AM
Overall Posts Rated:
153153
Sure, salamat sa pagsuporta at sa iyong tulong. Sa ngayon eh nagscoscout pa ako ng players para maanalyze kung sino2 mga pwedeng maging future NT player. I'll post here soon after ko magscout. @lolo - ano new offsite forum natin? (fb). mail me lang hehe..

From: ジグ

This Post:
00
225775.168 in reply to 225775.163
Date: 4/7/2014 8:15:46 AM
Rad Hoopers
III.6
Overall Posts Rated:
3838
conggrats bata ko pag butihan mo haha

Someone once told me I needed to face fear to get over it, and I thought well why not take a step further and cut my fear into little pieces then set my fear on fire then throw the hot ash of my fear into a lake and then poison the lake. Simple!
Advertisement