Bawi sana (25159)Balak bumawi ng Team Pilipinas dito sa Buzzerbeater laban sa Iran pagkatapos nilang nilampaso ang GILAS sa FIBA Asia Tournament. Ngunit kinapos pa rin. Walang Haddadi dito pero meron naman silang Fard na nakapuntos ng 19 at may 14 rebounds.
Sa unang pagkakataon ay ginamit ni PH-cezzz at 3 bigs lineup, para sa kanya tagumpay ang nangyari. "Umabot na rin sa prominent ang rebounding ng ating koponan, ganito rin siguro gagawin ko sa sunod. Hindi natin alam kasi may mga tirador tayo sa tres, malamang magmomotion pa rin ako." - sabi nya.
Lamang ang Pilipinas sa 3rd quarter ng 6 na puntos subali't inumpisahan ng Iran ang 4th quarter na may 8-2 run. Simula nun ay nakalayo na ang Iran sa humigit na sampu ang lamang. Hindi pa rin natapos ang laban subali't humabol ang Team Pilipinas sa huling 2 minutes ng laro dahilan upang makahabol ang koponan. 25 na segundo na lang at lamang ang Iran 89-87, minadali ni Wenresti Feca na tumira sa tres at siya'y nabigo. "Kulang tayo sa clutch player, nawala na kasi si Mr. Fantastico Abada eh. Sana magensayo pa ng mabuti ang mga posibleng player na magaling sa clutch gaya ni Feca, Dispo, Discar at maging si Manikan." - sabi ng isang assistant.
Feca - 20, Evangelista - 17, Manikan 14, Querouz - 9, Cabutihan- 6 fouls ulitKinailangan ng Iran ang larong iyon upang makapasok sa top 32 kaya sila nag normal at TIE tayo. Kasalukuyang nasa rank 12 ang Pilipinas sa torneyo at ang posible nating makakalaban sa knockout rounds ay ang walang awang Israel (na may world rank na 39). Lamang ang Israel sa galing ng kanilang manlalaro pero mas lamang tayo sa puso ng ating manlalaro. Mabuhay!
Last edited by PH-cezzz at 8/12/2013 9:19:56 PM