Magandang araw sa inyong lahat mga Buzzerbeater Managers..
Ako po si PH-cezzz of PRO Tambays at ako po ay kumakanditato bilang U21-coach para sa Season 18-19. Matagal ko na gustong tumakbo bilang coach ng U21 at ito na ang oras ko na maging tagapagmahala ng ating koponan. Wala ng paligoyligoy pa. Sa estado ng ating mga manlalaro ngayon, mas humina tayo kumpara noong mga panahon nila Lia Cruz at harmsome dahil kumonte ang mga naisanay na mga bagito.
Hindi ko ipapangako na maging kampyon tayo ngayon pero ipapangako ko na maging malakas ulit ang koponan natin, hindi lang ngayon kundi sa susunod pa na seasons. Paano ko gagawin yun? Sa tulong ng mga aking kaibigan sa offsite forum at pati na rin sa mga naging manager ng U21, bubuhayin ulit namin ang pamayanan at maghingkayat ulit ng mga managers na magtrain pa ng mga manlalaro. Sisikapin kong maging matagumpay at umakyat ulit tayo sa top 10 ng buong mundo.
Maraming Salamat po.
Kung may katanungan kayo sa mga achievements ko, pakibisita na lang ng team page ko..
(54492)