"PRESS RELEASE #01"
#Bagong Simula, Nagliliyab na Pangarap !!!
Bago po simulan ang lahat, maraming maraming salamat po sa pagboto kay CoachFabioMenta bilang ating bagong headcoach para sa season 40-41 ng ating U21 PH NT! Ako po ang magsisilbing Assistant Coach nya. Kaya h'wag na po kayong magugulat kung ako na minsan ang magbibigay ng training plan sa inyo dahil iyun po ay pinagtutulungan namin ni CoachFabioMenta upang mas ma-improve pa ang mga future prospects nio para sa U21. Nawa'y maging matagumpay ang kampanya natin sa Season 40 U21 Asia Cup Championship. Pagsisikapan po natin at ni CoachFabioMenta na sungkitin ang Gintong Tropeyo at Medalya na naging mailap para sa ating kuponan ng sa gayon ay matupad na ang matagal nating pinapangarap na makapasok at makalaro muli sa U21 World Cup sa Season 41.
Pagkatapos po ng mabusising pag-a-a-analisa ng mga skillset ng mga prospects para sa U21 NT natin, nakapili na si CoachFabioMenta ng Final 12 para sa koponan natin:
Final 12:
1) de los Santos, Laurence (21 y.o.) - Cleveland Caliber: mr. KR
2) delos Santos, Levy (21 y.o.) - Monsters, Inc.: Mike Wazowski
3) Carisma, Marcus (21 y.o.) - North Caloocan Standbys: Ajaman
4) Salvador, Lucio Salvador (21 y.o.) - Dominatorzy: Cassano17
5) Talabucon, Aurelio (21 y.o.) - Pampanga Dragons: j3p0i
6) Rio, Casiano (21 y.o.) - a<3: F1
7) Mende, Delfin (21 y.o.) - Bc Mäetaguse: Intsspoiss
8) Baybay, Ritche (21 y.o.) - S A W F T: enzoamore
9) Conklin, Tanner (21 y.o.) - PH Elite: National Legend
10) Torreon, Carl Marx (20 y.o.) - La Roca Swimmers: Gengineer
11) Moises Robles (21 y.o.) - DEATH or GLORY: Dog
12) Matt Blanca (21 y.o.) - Red Storm Army: Coach AC
Sa mga hindi nakasama na prospects sa final 12 ay wag mag-alala dahil maari pa silang makapasok at makalaro sa ating kuponan basta lagi tayo magkaroon ng magandang communication para sa mga pops bawat linggo ng inyong prospect na player sa u21 wag kayo malungkot maisasama sila at makakalaro pa sila dahil may 6 slots pa para mabuo ang 18 rosters ng ating kuponan.
Kung kayo po ay may mga katanungan tungkol sa mga pre-game preparations at support, magpadala na lamang po kayo ng BB-Mail para hindi tayo ma-skawt ng kalaban. Mag-po-post naman po ako ng pre-game at post-game analysis bawat laban natin ngayong asia cup. At sa mga newbie dyan na merong player na sa tingin nyo ay karapat-dapat na maglaro para sa U21 balang araw, huwag po kayong matakot na magpadala ng mensahe sa amin nina CoachFabioMenta at bibigyan po namin kayo ng training program upang magabayan ang inyong mga batang manlalaro o maari din po kayong magpatulong sa ibang mga beterano ng ating bb pilipinas community inaasahan namin ang inyong buong suporta at pagmamahal para sa ating kuponan.
tmen [U21-PH_ASST.COACH]
Last edited by tmen at 10/7/2017 12:55:16 AM