Tinignan ko yung team mo, may dalawang 18yo guards ka pala na sa tingin ko medyo maganda na ang skills nila dahil sa sahod nila... Si Charlie Pelesco
(9639529) saka si Allan Paulo Plaras
(9639520)...
Eto ang suggestion ko... Maganda siguro kung pareho mo silang papaglaruin sa PG position... Isang starter saka isang backup... Tapos umpisahan mo silang itrain sa pressure... Para yun sa OD nila... Yun kasi ang pinakamahirap na itrain sa guards eh... Syempre mas mabilis ang pop kung 1 position lang ang training mo sa kanila... Example ay respectable ang OD nila, hintay ka ng mga dalawang pop siguro... From respectable to proficient tapos haluan mo ng ibang training kagaya ng JS o kaya naman 1on1... Kapag lumilipat ka sa training na JS at 1on1 pwedeng ilaro mo ang isa sa PG tapos yung isa sa SG... Tapos pag nakakuha sila ulit ng pop, balik mo sa pressure, paabutin mo sa prolific yung OD nila... Pinakaimportante kasi ngayon sa mga guards natin sa NT at U21 yung OD nila eh...
Pag napaabot mo na sa prolific, pwede mo na sigurong itodo ang training mo sa JS at 1on1... O kung gusto mo naman talaga syang gawin na malakas na PG, pwede ka din mag 1 position training sa passing... Kagaya nung suggestion ko na after 2 pops na focus training sa passing, tapos lipat ka ng ibang skill...
Medyo mahirap magtrain ng guard kumpara sa mga bigman... Pero pag napalakas mo naman ang guard mo, sulit naman din sa team mo pati na din sa NT at U21 natin...