ilang weeks na din ako nanghihingi ng opinyon nyo kung anong magandang gawin sa mga laro ng team natin pero ngayon lang na natalo tayo, merong nagsalita...
ginagawa ko yun para sa depensa... pwede nga ako maglagay ng mas malakas na shooter sa SF pero mababa ang depensa nila... kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko nilalagay sina enrile at catalan sa starting lineup ay dahil sa baba yun ng depensa nila... meron ngang medyo sapat ang depensa nila pero nagkukulang naman sila sa skills nila sa opensa kagaya nina roxas at ni casareo...
sina madrid at lumasag na ginagamit ko sa SF, maganda ang IS nila at pasado na rin ang JS nila kaya ko sila nilalaro sa SF... at ang habol ko talaga ay ang depensa nila... kaya nga sa mga mother teams nila, ginagamit din sila usually sa SF...
sa kasalukuyang lineup, kapag nag 3-2 ako, umaabot na sa parehong strong ang OD at ID ng team... minsan pa nga ay mas mataas ang ID sa strong kahit na naka 3-2... kung man to man, malamang ay nasa parehong strong din ang OD at ID... kung maglalagay ako ng isang shooter na medyo mababa naman ang depensa, malamang bababa din ang OD natin... gumamit ako ng 2-3 ngayon, dahil nga sa inaanticipate ko yung lakas ng dalawang starting bigman ng japan...
ginagamit ko lang ang sa tingin ko ay pinaka-effective na paraan ng paglalaro ng mga players base na din sa mga skills na meron sila...
pasensya na ulit sa talo...