Weee, pagpapakilala thread pala ito,sige papakilala na rin ako..^_^
Ako si giero,isang addict na manlalaro dati ng BD isang taon din atang nagpuyat kababantay ng account,pero kapag wala ako marami akong kaibigang gumagalaw sa account ko para gumalaw yung mga units ko kusang magbantay habang ako ay natutulog,isang araw may isang manlalarong pinoy na naligaw sa madagascar (location namin dati sa map) zhictoz ang pangalan leader ng 13PA alliance.. Sumapi sya sa POGI alliance (alliance na pinakamabigat)(kasali ako dun)^_^ at dun nagsimula ang aming magandang samahan, si pareng gus although alam ko na ma-ally namin sya dati pa (RP alliance era) di kami masyadong nakakapag-usap (ewan ko ba seryoso ata tong taong ito)^_^ hehehe.. Tapos unti unting nawala ang pagmamahal ko sa BD kasi parang naging eyebug na ata ang buong mukha ko..LOL nawala ang communication namin ni pareng zhic..
Isang araw,sa di sinasadyang pagkakataon, nagOL ako sa YM,nakita ko OL si pareng zhic,kinumusta ko sya,sabi nya dito nga raw sya nag-aaddict ngayon kasama si pareng gus,nung una di ko pinansin nagregister lang ako pero iniwan ko lang ang account ko,sinisilip ko lang.. Nung nagback to back wins,sabi ko mukhang magaling ang players ko ah,subukan ko nga seryosohin (lagi naman ngayong talo)..^_^ Ayun at nagustuhan ko na rin..
Sa tambayan kong forum site,sinubukan kong ayain yung alam ko na active sa balitaktakan namin sa PBA thread (kahit di ako active dum sa thread) at may naaya akong ilan, nagcreate si pareng zaltik (taytay slasher GM) ng thread about BB tapos ayun nagsimulang umusbong ang BB mania sa TDP..
Hehehe,ang haba pala ng nasulat ko..^_^