Good day sa lahat... Ako si j3p0i... Manager kasalukuyan ng Fil-Homes sa PPL...
Nagsimula ako, 2nd part na ng season 6... Natapos ang unang season ko, champion ang team kahit medyo nangangapa pa sa laro...
First full season ko ang season 7... Dun ko sinumulan ang puspusang training ng team ko sa ilalim dahil kailangan ko noon makipagsabayan sa mga beteranong teams sa Div. II.3, kagaya ng Constructicons ni GM-Devas, Aston Villa at ng MP3Streamers dati... Tingin ko noon, ang pagpapalakas ng mga bigman ko ang pinakamabisang paraan para di ako mapag-iwanan ng mga kasama kong teams... Natapos ang season 7, 1st full season ko sa BB, champion ulit ang team matapos ko pagdaanan ang mahirap na playoffs kalaban ang Constructicons at Aston Villa...
Season 8, napromote ako sa PPL... With due respect dun sa kabilang conference ng PPL ng season 8, sa opinyon ko, napunta ako sa mas competitive na conference kasama ang kasalukuyang champion na Trailblazers United, dating Cup champion RNA, bagong promote din noon na ADMU kasama pa ang mga beteranong teams na Hoes, Team Polydozel at Batangas Blades... Akala ko ay matatapos ang season na huli ako sa standings, pero natapos naman ang season na sa tingin ko naging competitive naman ang team...
Tingin ko ang strengths ko as a manager ay nagagamit ko ng mabuti ang kalakasan ng team ko at kaya ko din makapag-adjust sa strengths ng kalaban ko... Medyo hirap lang talaga dahil sa medyo nauuna na ang ibang teams pagdating sa training...
Ang mga plano ko sa NT natin kapag ako ang napiling manager, una ay yung pagpili siguro ng mga players... Siguro kukunin natin yung best available talent, mapa-anong edad man sila... Mas gusto ko siguro yung multiskilled sila kumpara sa 1 dimensional ang laro... Example, kung may mga bigman tayo na makikita na medyo kagandahan din ang OD pati na din ang JS, mas priority ko sila... Kagaya na lang kung may mga guards din na medyo may kagandahan din na ID pati na din rebounding, mas priority ko din sila... Mas prefer ko na pwede tayo maglaro sa loob pati na din sa labas... Mas maganda kung hindi magiging predictable ang laro natin sa opensa, pati na din sa depensa... Yung tipong minsan, pwede tayo mag-motion, man2man defense, minsan naman pwede tayong mag-look inside at 2-3 zone... Sa ganoong paraan, mas mahirap tayo ma-scout ng mga kalabang teams... Magagawa lang natin yun kung multiskilled ang mga players natin...
Yung katuloy, nasa baba...