About sa training, sundun mo yun advice ni lolo smithz, hindi ok na magtraining ng 3 positions dahil matagal sobra bago ka makakita ng results. At most two positions ang ok na training. :P
Yes, ang general strategy ay kung napupuno ang isang type ng seat, magbuild up ka roon. Kapag hindi siya napupuno, babaan mo yun prices. Pero sa pagbuild ng arena, may soft cap na nasa mga 20000 seats. Ibig sabihin, pag nasa 20000 (pwede hanggang mga 22000 siguro) na ang capacity ng arena mo, wag ka na magbuild. Taas mo na lang ang prices ng seats mo kapag napupuno siya.
Pwede na siguro ang level 3. Ok din naman ang pr. Basta wag lang mataas sobra ang level. Siguro pwede na rin ang level 3. Tapos maganda kung may specialty siyempre.
Yun mga sinasabi pala namin, wag mo sundan word for word ah. Parang guidelines lang siya. Part ng pag-enjoy ng game ay ang pag-eexplore ng mga possibilities. :P