BuzzerBeater Forums

BB Philippines > National Team Speeches

National Team Speeches (thread closed)

Set priority
Show messages by
This Post:
00
93487.4 in reply to 93487.3
Date: 6/4/2009 10:44:25 AM
Overall Posts Rated:
00
Good day sa lahat... Ako si j3p0i... Manager kasalukuyan ng Fil-Homes sa PPL...
Nagsimula ako, 2nd part na ng season 6... Natapos ang unang season ko, champion ang team kahit medyo nangangapa pa sa laro...

First full season ko ang season 7... Dun ko sinumulan ang puspusang training ng team ko sa ilalim dahil kailangan ko noon makipagsabayan sa mga beteranong teams sa Div. II.3, kagaya ng Constructicons ni GM-Devas, Aston Villa at ng MP3Streamers dati... Tingin ko noon, ang pagpapalakas ng mga bigman ko ang pinakamabisang paraan para di ako mapag-iwanan ng mga kasama kong teams... Natapos ang season 7, 1st full season ko sa BB, champion ulit ang team matapos ko pagdaanan ang mahirap na playoffs kalaban ang Constructicons at Aston Villa...

Season 8, napromote ako sa PPL... With due respect dun sa kabilang conference ng PPL ng season 8, sa opinyon ko, napunta ako sa mas competitive na conference kasama ang kasalukuyang champion na Trailblazers United, dating Cup champion RNA, bagong promote din noon na ADMU kasama pa ang mga beteranong teams na Hoes, Team Polydozel at Batangas Blades... Akala ko ay matatapos ang season na huli ako sa standings, pero natapos naman ang season na sa tingin ko naging competitive naman ang team...

Tingin ko ang strengths ko as a manager ay nagagamit ko ng mabuti ang kalakasan ng team ko at kaya ko din makapag-adjust sa strengths ng kalaban ko... Medyo hirap lang talaga dahil sa medyo nauuna na ang ibang teams pagdating sa training...

Ang mga plano ko sa NT natin kapag ako ang napiling manager, una ay yung pagpili siguro ng mga players... Siguro kukunin natin yung best available talent, mapa-anong edad man sila... Mas gusto ko siguro yung multiskilled sila kumpara sa 1 dimensional ang laro... Example, kung may mga bigman tayo na makikita na medyo kagandahan din ang OD pati na din ang JS, mas priority ko sila... Kagaya na lang kung may mga guards din na medyo may kagandahan din na ID pati na din rebounding, mas priority ko din sila... Mas prefer ko na pwede tayo maglaro sa loob pati na din sa labas... Mas maganda kung hindi magiging predictable ang laro natin sa opensa, pati na din sa depensa... Yung tipong minsan, pwede tayo mag-motion, man2man defense, minsan naman pwede tayong mag-look inside at 2-3 zone... Sa ganoong paraan, mas mahirap tayo ma-scout ng mga kalabang teams... Magagawa lang natin yun kung multiskilled ang mga players natin...

Yung katuloy, nasa baba...

This Post:
00
93487.5 in reply to 93487.4
Date: 6/4/2009 10:44:47 AM
Overall Posts Rated:
00
Sa pagpaplano naman pagdating sa laro, hindi ko naman sarili ang NT... Team natin lahat ito... Gusto ko sana na every week, magbubukas ako ng isang thread para sa particular game sa week na yun... Dun natin pag-usapan ang strengths, weaknesses ng kalaban, pati na din kung ano ang magiging game plan natin... Magiging open ako sa lahat ng suggestion dahil nga sabi ko, team natin ito at hindi ako lang... Kung ano siguro ang majority na mapapagkasunduan ay yun ang susundin natin... May isang community, ang The Digital Pinoy, na pwede ko mahingan ng opinyon tungkol sa plano sa laro... May mga BB adiks doon na dedicated din sa laro na tingin ko ay makakatulong din sa pamamalakad ko ng NT kung ako man ang mapili...

Ang mga thread nga pala na gagawin ko, mas mabuti siguro na itago natin sa loob ng forums ng ibang liga... Pwede siguro sa loob ng forums ng PPL o kaya naman sa isa sa mga forums ng mga liga sa Div II... Masisipag din ang mga managers ng ibang NT kaya minsan ay bumibisita din sila sa national forums para lang magscout...

Wala akong nakikitang pagkukulang sa dating kampanya natin sa NT... Isa si Norman Black sa mga tinitingala kong manager sa BB... Sabi ko nga, mas lamang lang siguro sila ng konti sa training... Konting adjustments na lang siguro natin sa mga tactics, makakaya nating itaas ang kasalukuyang kinalalagyan natin... Kung makikita naman natin, ang laki na ng improvement ng mga players natin ngayon dahil na din sa paglaki ng community natin dito sa BB Pilpinas at sa pagdami ng mga managers na dedicated na talaga sa pagtrain ng mga players... Yung iba nating U21 players ay halos kasinglaki na din ng mga sahod ng mga NT players natin... Siguro lamang pa din sila kahit papano sa training pero as much as possible, hanapin natin yung pinakamahinang aspeto ng laro nila saka natin iexploit yon...

Kung tutuusin ay baguhan pa lang ako kumpara sa iba nating beteranong managers kaya welcome sa akin ang lahat ng mga suggestions pati na din mga pagpuna kapag ako ang napiling NT manager...

Yan na lang muna sa ngayon... Sasagot na lang ako sa mga tanong sa debate thread... Salamat sa oras sa pagbasa...

Message deleted
This Post:
00
93487.7 in reply to 93487.5
Date: 6/8/2009 12:32:22 PM
Overall Posts Rated:
00
To all BB users, GM, LA.. before the election will end i would like to extend thank all of you. Suportahan nyo man ako o hindi maraming salamat. wala akong concrete word na masasabi sa inyo if ever na ako manalo sa election pero parang malabo yun mangyari ang sa akin lang di ako puro salita makikita na lang yan ang resulta kung ako ang mananalo sa election.

Muli sa inyong lahat taos puso po akung nagpapasalamat lalo na sa ating mga hardworking GMs at LAs dito sa BB Philippines. MARAMING MARAMING SALAMAT po! Better Luck next na lang ako.. PS. Jepoi? ayusin mo ang NT Team kung di Lagot ka sa min dito.. Hehe.. Congrats!-Kenneth Tubog II signing out!-



Last edited by Kenneth Tubog at 6/8/2009 12:32:47 PM