1. balak ko po kasing magtank next season para makakuha ng magandang draft pick, kaya baka pwede pong humingi ng konting suggestion like, Paano po ako mamimili ng idadraft para siguradong magandang prospect.
Sa draft, malaking factor ang luck kaya hindi ka makakasigurado na maganda ang prospect.
Para mas malaki ang chance na makakuha ka ng magandang prospect, tignan mo star rating (at least 4 sana), ang potential (at least 4 sana), height + position (ayaw mo ng 7 feet na pg at 6 feet na center) at box score para may idea ka ng starting skills (ayaw mo ng center na respectable big man skills at atrocious ang iba).
2. saanong klaseng depensa po magandang gamitin ang isolation offense?
Theoretically, box and one dapat, pero hindi ko pa siya nagamit kaya hindi ko alam kung effective siya. Pwede rin man to man tapos ilagay mo ang best defender mo sa best player ng kalaban mo.
3. ang height po ba ay meron pang naitutulong sa actual game or sa training lang talaga?
Sa training lang talaga.
Pero ang training ay nakakaaffect sa actual game so indirect ang effect ng height sa actual game. Halimbawa, sa isang normal game, madalas hindi maooutrebound ng 6'0 na player ang starting center ng kalaban kasi mahirap itrain ang 6'0 sa rebounding.