Pangalawang tanong, ang tagal mo na sa league 2 bakit hindi ka pa napopromote sa PPL? Anong problema? Sa lineup composition ba? Paki-analyze kung ano ang pwede mong gawin para maimprove ang chance mo para makapag PPL.
It is a fact na ang league ko ay pinakamalakas sa league 2 sa pilipinas almost every season. That is a lame reasoning I know. Kulang ako sa pangsweldo ng mga players kasi tigas ulo ako na hindi ko magadd ng arena seats as being said time after time sa mga veterano na managers. At may bad habit ako na ayaw ko ibenta mga players ko parang may emotional attachment kasi tagal na sila sa akin. Hindi din ako type na tao na who likes to throw games. So ang enthu ko palagi masama. Pero I changed last season binenta ko mga old reliables ko at nagstart anew. Nag all Pinoy ako para may challenge at yung hindi mag gel at the end of the season binenta ko at naghanap ng iba. If you see my record last season it was 5-17 but I survived a relegation match even if I was 7th seed. Realizing ones weakness is the key to success. And admitting you have a weakness starts one s road to success.
Sa U21 I think my emotional attachment ko sa players will not matter. As said I will consult the better players sa pinas every game if possible the best tactics to play against our opponents. Parang sa akin walang mali sa magpatulong sa masmagaling. Your pride cannot be eaten. Bow
Unang tanong, nakikilala ka na dito sa community na mainitin ang ulo. Kung di ako nagkakamali, nagtalo na din tayo noon sa di ko na maalalang dahilan. Ano sa palagay mo ang magiging kalagayan mo sa community kung maging U21 coach ka, pero may lamat naman ang relationship mo sa mga tao sa community?
Yes I will admit na may daming akong kaaway sa BB community kasi straight to the point ako, pranka na tao walang paligoyligoy. Hindi ako magsipsip ng tao para makuha ang gusto ko. Ano ako sa totoong buhay ganun din ako sa virtual life. Mahirap din pagbasa mu sa anong sinulat sa isang tao sa internet na mamisinterpet ng ibang tao ang meaning mu. Basta ako no special favors kasi para sa akin dapat fair ang selection process ng roster sa U21 team. If that is one factor na against me then vote for another player who you think is better. Prinsipyo yan sa tao.
As anong ang relation ko sa mga tao sa BB community if manalo ako. Realist ako na tao alam ko anong kaya ko at hindi kaya ko. In terms sa U21 I will try my best to ask the opinions of other people. I don't need the u21 team as my personal playground. I have enough games kasi may PL league ako. Kung may gustong tumira sa akin sa kapalpakan ko as I said it comes with the job. I will accept it. All I will do is try my best not to shame the Pinoy community. I will not promise you the moon and the stars, kasi that all empty promises. Hindi ako politico :P