PASENSYA... yan po ang unang sasabihin ko sa inyo aking mga kababayan... marahil ay nabatid po ninyo ang pananahimik ko sa forums at ang hinde ko pag tupad sa gitnang letrang N ng aking platapormang B.A.N.G.O.N eto po ay dahil sa kadahilanan na ako ay na hospital ng kulang kulang isang linggo.. paumanhin po sa hinde ko paghahatid ng serbisyong balita para sa inyo. Inuulit ko po ako ay humihingi ng pasensya, hindi ko po inaasahan ang karamdaman na yun.
PILIPINAS VS. PRATHET THAI
Ito po ay isang laro na nakakapang hinayang... dahil sa hinde po nakipag tungali ang ating kalaban sa laban na eto.. malaking tulong po sana sa bawat koponan ang laban na eto dahil makaka pukaw po eto ng atensyon ng mga kahinaan at kalakasan ng ating grupo ng mga manlalaro. Gayun pa man ay pinanood ko pa rin po ang galaw ng ating koponan at nakita ang ilang bagay na dapat nating pagbutihan at isa na rito ay ang tamang pag pili ng tira ng ating mga manlalaro...
PILIPINAS VS AUSTRALIA
Isa po itong scrimmage or ensayo lamang... natalo po tayo 101 - 89 sa mga banyaga, marahil eto ay walang kahulugan sa statistico ng katayuan sa torneo, isa pa rin itong bagay na dapat bigyan ng pansin sapagkat unang una.. hinde gumana ang experimento nating taktiko.. pangalawa.. hinde rin umakto ang mga manlalaro natin ayon sa pwestong kanilang nilaro.. at pangatlo ang kakulangan sa pasahan ng ating mga manlalaro.. Sa ngayon ay nireresulba na namin at ng buong staff ang mga kahinaang nag labasan sa laban nating ito.
PILIPINAS VS NEW ZEALAND
Bumalik ako sa isang mahalagang stratehiya kong natutunan bilang staff ng mga nakaraang termino ng mga nakaraang coaches.. at eto ay ang pag gamit ng tatlong singko ang pwesto sa starting line-up.. Ikinatuwa ko naman ang resulta.. bagama't ang kalaban natin ay pawang mahina talaga ang loob at ilalim ng depensa ay hinde nman nag choke ang ating mga players at bukod pa rito nag 2-3 pa sila sa depensa kaya lalong nahasa ang ating mga bata sa labang eto. Ikinatuwa ko rin ang ginawang pasahan ng ating koponan at nagtala tayo ng 37 assist isang bagay na krusyal sa bawat hakbang natin patungo sa kalaliman ng torneo.
PILIPINAS VS HANGKUK
Alam ng karamihan na llmado tayo sa kanila, pero wag natin silang maliitin dahil kahit ganyan ang mga pasahod ng ating kalaban, hinde tayo nakaka sigurado sa kakayanan nila.. ika nga nila "NEVER JUDGE A COACH BY ITS WORDS" kaya dapat nating suriing mabuti ang kanilang galawan.. Marahil ay magamit ang ibang manlalarong hinde na gagamit upang masubukan pa lalo ang kanilang kakayahan sa larong internasyonal.
PROGRESS REPORT:
Ang mga gwardiya natin ay magaganda ang pag angat ng kakayahan
gayundin ang ating mga malalaking tao at mga posibleng tawagin upang malagay sa koponan.
Ang mga kondisyon ng ating mga manlalaro ang isang malaking balakit sa atin sapagkat iilan lang ang nakaka kuha ng magandang porma sanhi ng pabago bago ng rotasyon.