BuzzerBeater Forums

BB Philippines > National Team Debate Thread

National Team Debate Thread (thread closed)

Set priority
Show messages by
From: Jepz
This Post:
00
169156.7 in reply to 169156.6
Date: 1/14/2011 8:36:29 AM
Overall Posts Rated:
1616
Sa mga kandidato, wala man lang ba talagang magbibigay ng konting panahon nyo para magbigay ng kahit konting speech man lang o plano para sa NT natin? Isa tayo sa mga malalaking bansa sa BB, pero walang kagana-gana ang nangyayari sa election natin... Kaya nakuha ng taga ibang bansa ang U21 natin eh... Kayang kaya naman natin patakbuhin ang NT at U21 na tayong mga Pilipino ang maging coach... Kagaya ng ginawa ni Lia Cruz at ni Harmsome dati... Pero sa nakikita ngayon, umpisa pa lang eh tamad ng magbigay ng konting speech... Paano pa kapag nakuha na ang position saka nakatamaran na naman ang NT kagaya ng napupuna ng nakararami sa nangyaring paghawak ni Rice sa NT natin last season? Kung iniisip nyo na kaya nyo namang manalo sa NT kahit di na kayo magbigay ng speech dahil madami naman kayong kakilala sa BB at nasa mataas na liga naman kayo, sana nga kaya nyong mapatakbo ng mabuti ang NT natin...

From: vanth
This Post:
00
169156.8 in reply to 169156.7
Date: 1/14/2011 11:01:45 AM
Overall Posts Rated:
1414
oo nga naman, nakuha ng taga ibang bansa ang position ng U21 dahil wala namang mas magaling o kasing galing ni intendis na naglakas loob na tumakbo noon :)


si lia cruz, base dito link, hindi naman sya nag speech :)

http://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

wala ring naging debate noong panahon na yun.

http://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

:)

From: vanth
This Post:
00
169156.9 in reply to 169156.8
Date: 1/14/2011 11:10:22 AM
Overall Posts Rated:
1414
kung pagbabasehan natin ang credential ng bawat kandidato, nakakalamang si mahahay

at sa trend ng election sa BB pinas. ang kandidatong may pinakamagandang credential ay yun ang nanalo. kaya sana, mas pag igihan nina jecqah at schizo ang pangangampanya :)

Last edited by vanth at 1/14/2011 11:11:01 AM

From: Jepz

This Post:
00
169156.10 in reply to 169156.8
Date: 1/14/2011 11:23:36 AM
Overall Posts Rated:
1616
Paano na ba naging magaling si intendis eh wala pa nga syang napapatunayan... Nagawa na ni Lia saka ni Harm na maging runner up sa Asian Championship pero ganun lang din ang inabot ni intendis ngayong season... Kung magaling sya, nanalo sana sya sa finals laban sa China... Maniniwala na akong magaling sya kapag nakapagchampion sya sa WC o makapasok man lang sa Finals...

Hindi nga naman prerequisite ang speech sa pagtakbo... Pero parang indication na din ng intention nya na makipagcommunicate sa mga managers ng Pilipinas... Ang NT at U21, hindi lang para sa nanalong kandidato... Para yan sa lahat ng mga managers na naglalaro dito sa Pilipinas...

Bakit pa nga ba ginawa ng BB ang speech thread kung di rin naman gagamitin?

From: vanth

To: Jepz
This Post:
00
169156.11 in reply to 169156.10
Date: 1/14/2011 11:55:38 AM
Overall Posts Rated:
1414
Paano na ba naging magaling si intendis eh wala pa nga syang napapatunayan... Nagawa na ni Lia saka ni Harm na maging runner up sa Asian Championship pero ganun lang din ang inabot ni intendis ngayong season... Kung magaling sya, nanalo sana sya sa finals laban sa China... Maniniwala na akong magaling sya kapag nakapagchampion sya sa WC o makapasok man lang sa Finals...
yung nakalaban nya sa election, may napatunayan na ba? mas lalong wala pa ring napatunayan ang mga nakalaban ni intendis last election :)


Hindi nga naman prerequisite ang speech sa pagtakbo... Pero parang indication na din ng intention nya na makipagcommunicate sa mga managers ng Pilipinas... Ang NT at U21, hindi lang para sa nanalong kandidato... Para yan sa lahat ng mga managers na naglalaro dito sa Pilipinas...

Bakit pa nga ba ginawa ng BB ang speech thread kung di rin naman gagamitin?
may punto ka rito. :)

This Post:
00
169156.12 in reply to 169156.10
Date: 1/14/2011 12:07:18 PM
Overall Posts Rated:
55
Mas pumapanig din ako sa pagpili ng isang Pilipinong manager para mamahala sa ating pambansang kopunan. Kahit na ipagpalagay pa natin na mas magaling ang isang dayuhan pero mas makabubuti sa BB Pilipinas na sariling atin ang mamahala para mas malinang ang kakayahan at kaalaman ng mga Pilipinong manlalaro ng BB at para na rin sa ikauunlad ng ating kumunidad. Sa aking pananaw, ang pagpili ng isang dayuhan ay isang pansamantalang lunas lamang para maayos ang ating pambansang kopunan.

This Post:
00
169156.13 in reply to 169156.12
Date: 1/14/2011 12:16:41 PM
Overall Posts Rated:
127127
kaya nga sang-ayon ako sa sinabi mo fafa harm..
kung nakahabol lang sana ako sa pagregister sa pagtakbo ng NT nakaspeech na sana ako.hahahaha
joke lang hindi pa ang time para magrun ako ng NT position.hahaha
someday kapag may mapatunayan na ako.hahahaha

From: vanth
This Post:
00
169156.14 in reply to 169156.12
Date: 1/14/2011 12:31:09 PM
Overall Posts Rated:
1414
wala naman na tayong kandidatong dayuhan ngayon : )


ito na lang ang ilan kong katanungan sa mga kandidato.

1. gaano kahanda ang ating kandidato sa mga kalaban natin ngayon sa asya?
2. ano ang assesment ng ating kandidato sa mga bansa katulad ng china, hongkong, iran, australia at iba pang bansa na unti unti ng umaangat?
3. kung hindi man makapasok sa world championship ang pilipinas, magkakaroon pa ba ng dedikasyon na patakbuhan ang pilipinas?
4. ano ang assurance na maasahan namin na hindi kayo maba-ban habang hinahawakan ang national team?

Last edited by vanth at 1/14/2011 12:54:31 PM

This Post:
00
169156.15 in reply to 169156.14
Date: 1/15/2011 2:39:07 PM
Talisay Lechoneros
III.2
Overall Posts Rated:
4646
Masasabi ko lang sa mga kandidato,

Sa tingin ko ay mas maganda siguro na gumawa kayo ng platorma at ilatag ninyo ito sa thread na ito ng sa ganun ay mapulsuhan namin bilang mga manager ng pilipinas ang inyong DEDIKASYON sa pagpapabuti ng ating national team.

at sa tingin ko ay mas makakabuti kung dito kayo magsalita sa thread kaysa sa PANGUGULIT sa chat para humingi ng boto o kaya ay mag bb-mail sa ibang mga manager at ang pinaka masama ninyong pwedeng gawin ay gumawa ng madaming account upang gawing pamboto sa inyo. sana naman ay walang gumawa sa inyo nito at makonsensya sana ang nagbabalak na itong gawin.

GODBLESS to all candidates.

Message deleted
From: dan03

This Post:
00
169156.17 in reply to 169156.11
Date: 1/15/2011 9:35:28 PM
Overall Posts Rated:
88
wag nga kaung makulit
kung ayaw ng candidate
walang kwenta ang pag pilit
kung ndi sila pinipilipit

pero dapat gamitin ang isip
ng ndi kami nagmumukhang itik
sa paghihintay ng speech
at makakabuting mag quit

hehehe..aus,, specialty ko yan,

mag speech na kau,, walang magandang papatungohan ang election kung walang panunuyo sa mga botante, walang panunuyo kung walng sasabihin, pag walang sinasabi, walang nagkakainteresado, at pag walang interesado, konti ang boboto,, at pag konti ang boboto, mawawalan ng integridad ung nanalo, at pag walang integrity, mapapdami ang talo, at pag talo, mawawalan ng gana ang mga filipino managers, at pag nawalan ng gana ang mga ito, foreigner player na lng itritrain. at pag sila ang natritrain, walang aangat na sa ating mga players, sayang kung naging filipino managers pa kami,

GO PILIPINAS !!!!!!!!!!

hahaha

nagiging makata na ako,,