BuzzerBeater Forums

BB Philippines > NT-PILIPINAS THREADS(official)

NT-PILIPINAS THREADS(official)

Set priority
Show messages by
This Post:
66
225775.106 in reply to 225775.102
Date: 4/1/2013 8:49:08 AM
Overall Posts Rated:
153153
Pilipinas, pinahiya ang Pakistan 122-98. (23548)

Taiwan - ang combo ni Kuya Greggy at Mr. Palengke ang nagpaangat ng team Pilipinas sa kanilang pangalawang panalo sa NT round robin pool. Si Kuya Greggy ay naka 27 na puntos at naka 8 assists kahit na kinukutyahan siya ni Lolo Smithz na buwaya dahil madalas pinipilit nyang tumira kahit mahigpit ang bantay sa kanya. "Eh natural lang naman siguro may ganung PG db? Sila kasi ang nagsetset ng opensa db? Malamang eh wala na makitang kasama kaya diretso siya tira. At saka kapag pumapasa sa kasama eh hindi rin naman nakakashoot." - depensa ni PH-Sargeras.

Si Mr. Palengke naman ay ginawang palengke ang buong manonood dahil sa kanyang swabeng mga galaw at mga "blind passes" , mayroon siyang 22 puntos at 5 assists. Madalas sila dalawa ang parating nagpapasahan at nakita ang kanilang "power duo" sa 1st at 3rd quarter.

Si Mr. Bean Votorillo naman ngayon ang tumatawa sa kanyang mga kakampi dahil nakakuha siya ng tumataginting na 17 rebounds at 18 points. "Errrrr, hahahahaha. Brook Lopez ba ako? Ano ako tamad? Sinanay ako ng manager ko ui para magrebound. Eh mentor ko kaya si kuya Kevin Love. Kung may nakakatawa man dito eh si Conyo Sepulveda na un! Natatakot matsansingan ng mga Pakistani kaya ayaw maglaro. Hahahahahahahahaha!" - sabi nya. Si Mr. Nice Guy Cabutihan ay muntik ng maka triple double na may 12 puntos, 13 rebounds at 9 assists pati 3 blocks rin.

Winning shot ni Dispo

Para kay manager Huck Finn, winning shot ang tingin nya sa unang puntos ng kanyang bata sa 4th quarter.
4 5:36 84 — 110 Sumubok si J. Dispo (H) na mag-lay up., habang binabantayan ng maigi ni H. Sharif (A). Pasok!
Saya2x sa pakiramdam no? 22 pa lang siya pero walang mintis ang unang laro nya! - sabi ni Huck Finn.

Lumamang ang Pakistan sa unang quarter na may iskor na 32-24 pero nakawala ang Pilipinas sa 2nd at 3rd (na naman) dahil sa banat ng mga Guards at mga "putbacks" ng mga Sentro. Pinaupo ang mga starters sa 4th quarter, pero naalarma ang coach dahil sa 24-17 na iskor kaya ibinalik ang starters para mapalaki pa ang lamang. Importante ang PD(Point Differential) - bulong ni Lolo Smithz sa coach ng koponan.

Ang kalaban natin sa susunod na laro ay ang Kazakhstan. Aasahan ang pagbalik ni Wonder Boy Pelesco at ang pagpapalaya sa rehab ni Pitoy Montallana. Mabuhay!

This Post:
00
225775.107 in reply to 225775.106
Date: 4/1/2013 9:50:42 AM
Fuji Rising Sun
PPL
Overall Posts Rated:
100100
Second Team:
Dahlia Mavericks
Congrats! Good performance by Crisostomo and Cabutihan!

This Post:
00
225775.108 in reply to 225775.2
Date: 4/5/2013 4:09:55 AM
Overall Posts Rated:
153153
FOR SALE: NT starting center. (16982966)

Message deleted
This Post:
00
225775.110 in reply to 225775.106
Date: 4/8/2013 12:31:35 AM
Overall Posts Rated:
290290
Mga fans ni Dabandan naghanda na sa mga placards and fan signs para asarin si Coach Cezzz mamaya sa game between Pilipinas at Kazaks. Hindi na din sila tumanggap na hindi kasali si Dabandan sa NT.

"Kung andyan si Abada andyan din dapat si Dabandan." sabi ng isang fan. "Dati same team sila sa PPL at ang ganda sa chemistry sa laro nila. Demanda kami na si Dabandan ay dapat nasa NT."

Mga fans na ito din naghanda ng signs para magasar kay Crisostomo. "May bagong grupo kami naubo. The Crisostomo Buwaya Club. Sana kung si Crisostomo ay maglaro sa PG posisyon dapat ang unang isipin niya sa ay ipasa ang bola and huwag takaw tumira. Maghintay ka Crisostomo! Yari ka sa amin mamaya!"

Sa tanong ng sino ang leader sa club nila walang gustong sumagot pero nalaman ng mga reporters na isang team galing PPL napikon kasi di kinuha ang player niya para sa NT ang financial supporter daw. Sino kaya yun? :P

This Post:
22
225775.111 in reply to 225775.110
Date: 4/9/2013 6:51:14 AM
Overall Posts Rated:
153153
Ang pagbabalik ni Wonder Boy Pelesco.(23549)

Nakamit ulit ng Pilipinas ang kanilang ikatlong panalo sa kasalukuyang paligsahan sa NT sa iskor na 107-88. Nakatala ng 18 puntos at 7 assists si Wonder Boy Pelesco sa kanyang unang laro sa NT ngayong season. "Siya talaga ang ace player natin kahit noong bata pa siya, sinubaybayan ko siya at walang kupas pa rin hanggang ngayon." - sabi ng isang tagahanga. Si Mr. Fantastico Abada ay hindi pa rin pabagu-bago ang mga laro nya at nakakuha siya ng 17 na puntos para sa team. Nakaambag rin si Mr. Bean Votorillo ng 15 puntos at pati na rin sa Boy Conyo Sepulveda. "Nakaluwag na ako konti sa laban natin ngayon, buti na lang nafoul-out si Mr. Nice Guy Cabutihan at nakabawi ako ngayon dahil ampangit ng huling laro ako laban sa mga manyakis na mga Pakistani." - sabi ni Boy Conyo na mayroong 10 rebounds.

Hindi naging mabait si Mr. Nice Guy Cabutihan sa laro dahil sa kanyang natanggap na tawag bago ang laro. Sinabihan siya ng dati nyang team na binenta na siya sa Cota Inferior sa halagang $310,000 lang. "Galit na galit ako sa boss ko dati kaya nadala ko yung galit ko sa laro. Pagpaumanhin nyo po sa pagiging asal bata ko, at pangakong hindi na ako uulit pa." - sabi nya. Nakalaro lang siya ng 22 mins bago siya nakafoul ng 6 beses.


Dabandan?

Puno nga ng mga placards ang arena para ipakita ang kanilang nais na maging parte ng NT si Dabandan. Ang sagot naman ni PH-cezzz, "Kung nanjan si Abada, dapat ba nanjan rin si Mr. Seryoso Dabandan? Eh dapat kunin ko rin si Daniel Rivera kasi nasa koponan rin si Pelesco. Biro lang, may bakante pa naman sa roster natin kaya wag muna tayo magdali." Pinahiya rin ni Crisostomo ang mga nangaasar sa kanya dahil nakaassist siya ng 8 na beses.

Ang susunod na laban natin ay kontra sa bansang China. "Alam kong bully sila kahit sa ibang bagay pa pero hindi ko na aksayahan ng sigasig para manalo dahil alam naman natin kung gaano sila kalakas. Pero mas maganda kung matalo natin sila, wag lang tayo aasa dun." - sabi ng Coach ng koponan.

This Post:
00
225775.112 in reply to 225775.111
Date: 4/9/2013 11:32:15 AM
Fuji Rising Sun
PPL
Overall Posts Rated:
100100
Second Team:
Dahlia Mavericks
Nice! Sabi ko na eh, babanat yan bata ko pag starter. Hintayin mo this week, gagaling pa yan. (dapat!)

This Post:
00
225775.113 in reply to 225775.112
Date: 4/9/2013 1:51:13 PM
Overall Posts Rated:
153153
Sana magpop na siya hehe.. Ganda ng ipinakita niya sa laro, sana ganoon rin vs China.

This Post:
00
225775.114 in reply to 225775.113
Date: 4/10/2013 8:22:05 AM
Fuji Rising Sun
PPL
Overall Posts Rated:
100100
Second Team:
Dahlia Mavericks
Panigurado yan. Magiging starter yan bata ko! ;)

This Post:
00
225775.115 in reply to 225775.114
Date: 4/10/2013 5:46:01 PM
Overall Posts Rated:
1616
benedicto walang pt :(

From: PH-cezzz

To: DoG
This Post:
00
225775.116 in reply to 225775.115
Date: 4/10/2013 8:35:00 PM
Overall Posts Rated:
153153
Eh parati kasing mababa GS nya DoG kaya hindi siya nagkachance magstart o bench man lang.. Parating nasa reserve ehehehe..

Advertisement