Ang pagbabalik ni Wonder Boy Pelesco.(23549)Nakamit ulit ng Pilipinas ang kanilang ikatlong panalo sa kasalukuyang paligsahan sa NT sa iskor na 107-88. Nakatala ng 18 puntos at 7 assists si Wonder Boy Pelesco sa kanyang unang laro sa NT ngayong season.
"Siya talaga ang ace player natin kahit noong bata pa siya, sinubaybayan ko siya at walang kupas pa rin hanggang ngayon." - sabi ng isang tagahanga. Si Mr. Fantastico Abada ay hindi pa rin pabagu-bago ang mga laro nya at nakakuha siya ng 17 na puntos para sa team. Nakaambag rin si Mr. Bean Votorillo ng 15 puntos at pati na rin sa Boy Conyo Sepulveda.
"Nakaluwag na ako konti sa laban natin ngayon, buti na lang nafoul-out si Mr. Nice Guy Cabutihan at nakabawi ako ngayon dahil ampangit ng huling laro ako laban sa mga manyakis na mga Pakistani." - sabi ni Boy Conyo na mayroong 10 rebounds.
Hindi naging mabait si Mr. Nice Guy Cabutihan sa laro dahil sa kanyang natanggap na tawag bago ang laro. Sinabihan siya ng dati nyang team na binenta na siya sa Cota Inferior sa halagang $310,000 lang.
"Galit na galit ako sa boss ko dati kaya nadala ko yung galit ko sa laro. Pagpaumanhin nyo po sa pagiging asal bata ko, at pangakong hindi na ako uulit pa." - sabi nya. Nakalaro lang siya ng 22 mins bago siya nakafoul ng 6 beses.
Dabandan?Puno nga ng mga placards ang arena para ipakita ang kanilang nais na maging parte ng NT si Dabandan. Ang sagot naman ni PH-cezzz,
"Kung nanjan si Abada, dapat ba nanjan rin si Mr. Seryoso Dabandan? Eh dapat kunin ko rin si Daniel Rivera kasi nasa koponan rin si Pelesco. Biro lang, may bakante pa naman sa roster natin kaya wag muna tayo magdali." Pinahiya rin ni Crisostomo ang mga nangaasar sa kanya dahil nakaassist siya ng 8 na beses.
Ang susunod na laban natin ay kontra sa bansang China. "Alam kong bully sila kahit sa ibang bagay pa pero hindi ko na aksayahan ng sigasig para manalo dahil alam naman natin kung gaano sila kalakas. Pero mas maganda kung matalo natin sila, wag lang tayo aasa dun." - sabi ng Coach ng koponan.