Wonder Boy, naging Water Boy. (23552)Nakatikim ng unang pagkatalo ang Team Pilipinas laban sa numero uno na China Team sa iskor na
100-85. Nakalamang ang Team Pilipinas sa 1st half, 49-42 dahilan ng maagang celebration ng mga fans. Subalit bumawi ang mga Intsik ang binugahan ng 30-16 3rd quarter na puntos ang mga Pinoy. Sinubukang dalhin ni Mr Bean Votorillo ang laro subalit hindi siya masyado pinapasahan sa 4th quarter dahil sa mga
"bakaw duo" nila Kuya Greggy Crisostomo at Wonder Boy Pelesco.
Naging Water Boy and laro ni Pelesco sa 1st quarter na may statistics na 0/5 FG, 4 turnovers at 1 point at 3 sa turnovers nya ay katumbas ng tatlong 3 pointers ng China. Natapos nya ang laro na may 5 points, 1/7 FG, 5 turnovers at 7 assists.
"Grabe ang sigawan ng mga nanonood nung nakikita nila pinipilit ni Pelesco ang laro, eh hindi rin namin maintindihan kung bakit hindi siya pinapalabas ng coach"- sabi ng isang die hard fan. Sabi pa ni
@feelpogsako sa twitter,
"Ang sakiiiit sa ulo panoorin si Water Boy este Wonder Boy. Parang ngayon lang nakahawak ng bola. #bobomuch #PHvsCHN."Siguro resulta ng pagpapares nila ni Abada kaya pasikat epek si Water Boy, kita mo nga na sige sila pasahan pero wala namang kwentang pasa. Walang play, walang transition, basta pasa at shoot lang sila dalawa. - sabi ng isang analyst.
Kahit lamang ang Pilipinas sa rebounding, 41-34 at sa FT made 23-14. Hindi pa rin nila nakaya ang lakas ni
DingXiang(10641609) na may 29 points at 10 rebounds para sa China. Si Mr. Fantastico Abada lang ang nagdala ng team na may 23 points, si Askal Benedicto naman ay may 15 points at 13 rebounds sa kanyang unang "start" ngayong season.
Ang susunod nating kalaban ay ang
Iran (Rank 13). Sana makakapunta sila sa Taiwan kahit na may lindol sa kanila kahapon. Pray for them. Mabuhay!
Last edited by PH-cezzz at 4/16/2013 10:36:10 PM