BuzzerBeater Forums

BB Philippines > NT-PILIPINAS THREADS(official)

NT-PILIPINAS THREADS(official)

Set priority
Show messages by
This Post:
00
225775.146 in reply to 225775.145
Date: 5/18/2013 9:43:54 PM
Overall Posts Rated:
1313
ano ba yung sinasabi mo hindi magandang takbo ng NT......yung kasalukuyang NT o yung dating NT? matanong ko lang ha...huwag ka magagalit.........gusto mong lagyan ng red tape ang pag desisyon ng NT manager? lagyan ko ng konting paliwanag....baka hindi malinaw sa yo ang salitang red tape......gusto mong sumanguni muna sa iba' ibang myembro ng NT staff at kunin ang kanilang desisyon at daanin sa boto bago kumilos ang NT manager? at tingin mo napakatalinong idea nito? hhhmmmm bagamat ikaw ay nagbigay lang ng opinyon.....pinakita naman nito ang kakulangan mo sa pag intindi....kung ano ang nararapat gawin.

ang panahon para sumanguni at magdesisyon ang lahat ng BB pilipinas players...ay tapos na...ito ay sa pamamagitan ng eleksyon.....sa kadahilanan na hindi pwede masunod ang lahat ng gusto o opinyon...ng mga BB pilipinas player...tayo ay pumili ng isang tao....na magdedesisyon para sa lahat.....at ito ay ginawa natin sa pagboto.....at nanalo ang taong...sa tingin ng karamihan....ay gagawin at hahawakan ang NT ng ayon sa tingin nila ay tama. (ako hindi ko binoto tong kasalukuyang NT manager...kulang kasi ang alam nito sa laro.....pero yun ay opinyon ko lang at hindi ng karamihan)

ito na lang ang saksak mo sa kokote mo....ng madagdagan ang laki at baka gumana ng maayos....iisa lang ang kapitan ng barko....sya ang may hawak ng timon.....kung saang direksyon nya tayo dalhin....yun ang ating paroroonan.....huwag sana sya masyadong makinig sa mga backseat driver...na gusto agawin ang manibela sa kanya.....sya lang ang pwede magdesisyon.....pwede sya makinig sa opinyon ng iba...pero sya pa rin ang magdedesisyon....sya ang may karapatan at sya lang ang nilagay ng mga bumoto sa kanya dyan. gusto mo gawin ang mga idea mo sa NT?.....tumakbo ka sa eleksyon.

nawa ay naliwanagan ka....paminsan minsan ay nagpapaliwanag ako....para maintindihan ng iba.....ang maling pag intindi mo ay hindi mo kasalanan...sadya lang na pinanganak ang iba na may maliit na utak....at hindi pinalad na maging katulad ko.

alam ko magpapasalamat ka sa akin dahil naliwanagan ka....eto ang sagot ko....walang anuman welcome po.

This Post:
00
225775.147 in reply to 225775.146
Date: 5/19/2013 9:14:05 PM
Overall Posts Rated:
153153
Bye Votorillo?

Isang napakalungkot na pangyayari ang naganap dahil magreretiro na si Alvin "Mr. Bean" Votorillo (20125275). Hinayaan na ng manager ang kanyang koponan at buti na lang nasa NT team siya dahilan para magamit pa siya sa susunod na mga laro. Nasa transfer list ngayon si Votorillo sa halagang 1 million. Kaya kung sino may gusto ng NT player na subok na sa kalidad ay sana bilhin siya.

Sa ngayon, nakasalalay na lang ang ating team sa laki ni Angel "Mr. Nice Guy" Cabutihan, Marion "Askal" Benedicto ang pagiging starter sa bigs. Sana ay mapatuloy pa rin ang maganda nilang game shape. Kung sakali mawawalan man ng isang napakalakas na manlalaro ang koponan natin eh hindi pa rin mawawala ang kanilang matatag na puso.

This Post:
00
225775.148 in reply to 225775.146
Date: 5/20/2013 1:13:37 AM
Tamurong Spurs
III.10
Overall Posts Rated:
55
eto rin isaksak mo sa kokote mo!!! ewan ko kung nakita mo ang point ko positively... ayosin mo pananalita mo, hwag kang magsalita na angas kalye at bastos kasi mga BB manageers, bagamat ito ay "virtual game", may pinag aralan at may mga utak....
ang point ko lang ay dapat may pagkakaisa ang mga pinoy na naglalaro ng BB.... kaya nga may sinabi na NT staff para may kaagapay ang NT sa pagdedesisyon...hwag mong ilagay ang negatibong aspeto ng red tape kunti ang positibong anyo nito,,, for sure, sa galing mo ay alam mo ang positibong anyo ng red tape...
hindi ako magpapasalamat sa iyo kasi hindi maliwanag sa akin ang paliwanag mo .... at ako'y nagsusugest laang!!!

This Post:
00
225775.149 in reply to 225775.148
Date: 5/20/2013 1:38:17 AM
Overall Posts Rated:
1313
ha ha ha...walang saysay kausapin pa to....sino mang nakabasa ng sinulat mo nung una....ay madaling maintindihan ang kakulangan ng utak mo....pwede ka mag kunwari o lokohin ang sarili mo...pwede kang mag focus kesyo bastos daw at nasaktan ang damdamin mo at hindi ka nakatulog ng ilang gabi....pero hindi mo maloloko ang iba sa tunay na isyu....alam nila at nasusukat ang kakayahan ng utak mo.....mi walang negatibo o positibong epekto ang red tape sa simpleng pag cocoach ng isang team....dahil micro management lang ang categoriya nito at hindi buong gobyerno....ang laki...kaya nga isang coach lang ang opisyal na kailangan at pinagbotohan....siguro susunod ihihirit mo rin na magboto pa ng scout, consultant, secretary, treasurer...ganun kahina utak mo para isipin na may negatibo at positiubo pang paghahati ng anyo sa pag coach ng NT.

This Post:
00
225775.150 in reply to 225775.148
Date: 5/20/2013 2:02:19 AM
Overall Posts Rated:
1313
galit ka?....dagdagan ko lang...parang babae umintindi tong isang to.....basahin mo kasi maigi at paulit ulit ang sinulat ko baka...matsambahan ng utak mo...at makuha mo rin ang mensahe.....una...hindi tinutu tulan ang point daw ayon sa yo na magkaisa ang mga pinoy na naglalaro ng BB.....pangalawa...alam natin lahat kung bakit may NT staff....at kaagapay daw ayon sa yo ang NT sa pagdedesisyon....itong una at pangalawang point mo ay hindi tinutu tulan....mi walang objection dito....mi hindi ko alam kung ano ang gusto mo pa palabasin para banggitin ang mga ito....

ito ang isyu....gusto mo...ayon sa suggestion mo.....na gawing botohan ang desisyon sa NT......na sasangguni ang NT manager at pagbobotohan....ng NT staff...tapos yun ang gagawin ng NT manager.....para ano sabi mo...para democratic daw....ito po yung sinagot ko at sinabi ko na nagbigay ka lang naman ng iyong opinyon.....bagamat sa pagbigay mo ng ganitong suggestion na parang ito na ang solusyon sa nakikita mo kamong....problema sa pag kakaisa....ikaw ay nagbigay ng impression ng kakulangan ng pag intindi.....na hindi mo dapat ikagalit...kasi automatiko na yun sa mga bumabasa...na makitang ang talino ng taong ito.....o kaya ay mali ang pag intindi ng taong ito.

positibo at negatibong red tape sa pag coach ng NT?....mag isip ka nga...mapikon ka lang kung habaan ko reaksyon ko dito...pero ang problem nga ....paano ka mag isip....kung yung isip mo ang problema.

next time huwag ka nga mag post sa public forum kung ayaw mo may nagbibigay ng reaksyon sa opinyon mo...ang forum ay discussion....next time....suggestion ko lang doon ka magsulat sa diary mo.....tignan mo walang mag react doon kahit mali mali mga pinag sasabi mo. try mo minsan pag may time ka.

This Post:
22
225775.151 in reply to 225775.150
Date: 5/20/2013 1:22:47 PM
Tamurong Spurs
III.10
Overall Posts Rated:
55
hindi ako galit. alam ko na forums ang napasukan ko... pero sana naman dahan dahan lang sa pagsabi ng nakaksakit sa kapwa. hindi naman basta mo na lang husgahan ang tao na mallit ang utak at hirap umintindi sa isang bagay na usapin. sa akin lang kung mali ang aking suggestion, di mali, ito'y suggestion lang..ako'y naliwanagan sa iyong paliwanag bagkos yung bitaw mo ng salitang nasabi ay minsan nakakasakit din. hindi kita kilala kong sino ka at hindi mo rin ako kilala kung sino ako. magkapareho lang tayo na mahilig at very passionate sa basketball at dito sa BB.... kabayan pagpasensyahan mo na kung maliit nag pagkaintindi ko pero sa susunod minsan dahan dahan lang sa pagbitaw ng salita kung pwede.. salamat kabayan!!! baka minsan laro tayo sa SC.....? kung gusto mo!!!

This Post:
00
225775.152 in reply to 225775.151
Date: 5/20/2013 11:53:18 PM
Overall Posts Rated:
1313
k

This Post:
00
225775.153 in reply to 225775.152
Date: 5/21/2013 7:49:10 PM
Overall Posts Rated:
127127
peace na..hehehe

@cezzz: anong ngyari sa laro s malaysia?

This Post:
22
225775.154 in reply to 225775.1
Date: 5/21/2013 8:40:33 PM
Overall Posts Rated:
153153
Anyare?? (24127)


"Anyare?" - sabi ng mga fans pagkatapos matambakan ng Malaysia ang Pilipinas sa iskor na 120-95. Nafoul-out na naman si Angel "Bad Guy" Cabutihan ngayon, oo bad guy na siya dahil ilang laro na nafoul-out siya. Hindi mapigilan ng mga pinoy ang mga mamaw ng Malaysia, sila ay may 27/39 FG at 19 FTM sa laro. "Anyare?" - tanong ng isang reporter. "Nakulangan talaga tayo sa Bigs, si Singson at Sepulveda, pangit ang kundisyon. Si Votorillo eh malamang magreretiro na." - sabi ng isang staff.

Nabigo si Tronco (6/17FG, 14 pts) sa kanyang pagbabalik, si Dispo (3/13) sa kanyang unang start, si Benedicto na kahit mamaw ang laro (26pts, 12 rebounds) at ang chansa ni Feca (23 pts, 13 rebounds) dahil sa paggraduate ni Cabutihan. "Ok ang laro ng mga "Bigs" ng Pinas na may 34/48 FG pero sinira na naman ng mga guards ang laro, as usual. Kaya hinihingkayat kong magtrain ang mga pinoy ng mga guard na may Inside skills kahit konti para naman makasabay sila sa kalaban, ganoon kasi ang guards ng ibang team" - sabi ni PH-cezzz

"Anong mangyayari?" - tanong ng marami. Crucial ang laro natin laban sa Taiwan at Iran, may konting chance pa rin tayo makapasok sa semis kung mananalo tayo diyan. If not, at least makuha natin ang 3rd place para maqualify sa repechage next season which is exciting kasi babaguhin na ang GE at hihinaan na ang mga Inside Offense ng kaunti. Pasensya sa nangyari sa Malaysia, babawi tayo next game. Mabuhay Pilipinas!

This Post:
11
225775.155 in reply to 225775.154
Date: 5/22/2013 8:39:48 AM
Fuji Rising Sun
PPL
Overall Posts Rated:
100100
Second Team:
Dahlia Mavericks
Nothing to be ashamed of as "Malaysia looks like the only team trying out there". ..kaya lang, galit manager ni Conyo. 10-man rotation lang ginamit? at hindi na nagatubili pa na ilagay ang kahit na sinong dalawang miyembro? Kung sabagay, secret weapon nga naman siya mala Sakuragi.

This Post:
00
225775.156 in reply to 225775.155
Date: 5/22/2013 11:39:50 AM
Overall Posts Rated:
153153
eh maintain mo daw kasi ang GS nya, lalo na ngayon na ang Bigs natin puros respectable na lang ang Gs.. hehehe..

Advertisement