BuzzerBeater Forums

BB Philippines > NT-PILIPINAS THREADS(official)

NT-PILIPINAS THREADS(official)

Set priority
Show messages by
This Post:
00
225775.147 in reply to 225775.146
Date: 5/19/2013 9:14:05 PM
Overall Posts Rated:
153153
Bye Votorillo?

Isang napakalungkot na pangyayari ang naganap dahil magreretiro na si Alvin "Mr. Bean" Votorillo (20125275). Hinayaan na ng manager ang kanyang koponan at buti na lang nasa NT team siya dahilan para magamit pa siya sa susunod na mga laro. Nasa transfer list ngayon si Votorillo sa halagang 1 million. Kaya kung sino may gusto ng NT player na subok na sa kalidad ay sana bilhin siya.

Sa ngayon, nakasalalay na lang ang ating team sa laki ni Angel "Mr. Nice Guy" Cabutihan, Marion "Askal" Benedicto ang pagiging starter sa bigs. Sana ay mapatuloy pa rin ang maganda nilang game shape. Kung sakali mawawalan man ng isang napakalakas na manlalaro ang koponan natin eh hindi pa rin mawawala ang kanilang matatag na puso.

This Post:
00
225775.148 in reply to 225775.146
Date: 5/20/2013 1:13:37 AM
Tamurong Spurs
III.10
Overall Posts Rated:
55
eto rin isaksak mo sa kokote mo!!! ewan ko kung nakita mo ang point ko positively... ayosin mo pananalita mo, hwag kang magsalita na angas kalye at bastos kasi mga BB manageers, bagamat ito ay "virtual game", may pinag aralan at may mga utak....
ang point ko lang ay dapat may pagkakaisa ang mga pinoy na naglalaro ng BB.... kaya nga may sinabi na NT staff para may kaagapay ang NT sa pagdedesisyon...hwag mong ilagay ang negatibong aspeto ng red tape kunti ang positibong anyo nito,,, for sure, sa galing mo ay alam mo ang positibong anyo ng red tape...
hindi ako magpapasalamat sa iyo kasi hindi maliwanag sa akin ang paliwanag mo .... at ako'y nagsusugest laang!!!

This Post:
00
225775.149 in reply to 225775.148
Date: 5/20/2013 1:38:17 AM
Overall Posts Rated:
1313
ha ha ha...walang saysay kausapin pa to....sino mang nakabasa ng sinulat mo nung una....ay madaling maintindihan ang kakulangan ng utak mo....pwede ka mag kunwari o lokohin ang sarili mo...pwede kang mag focus kesyo bastos daw at nasaktan ang damdamin mo at hindi ka nakatulog ng ilang gabi....pero hindi mo maloloko ang iba sa tunay na isyu....alam nila at nasusukat ang kakayahan ng utak mo.....mi walang negatibo o positibong epekto ang red tape sa simpleng pag cocoach ng isang team....dahil micro management lang ang categoriya nito at hindi buong gobyerno....ang laki...kaya nga isang coach lang ang opisyal na kailangan at pinagbotohan....siguro susunod ihihirit mo rin na magboto pa ng scout, consultant, secretary, treasurer...ganun kahina utak mo para isipin na may negatibo at positiubo pang paghahati ng anyo sa pag coach ng NT.

This Post:
00
225775.150 in reply to 225775.148
Date: 5/20/2013 2:02:19 AM
Overall Posts Rated:
1313
galit ka?....dagdagan ko lang...parang babae umintindi tong isang to.....basahin mo kasi maigi at paulit ulit ang sinulat ko baka...matsambahan ng utak mo...at makuha mo rin ang mensahe.....una...hindi tinutu tulan ang point daw ayon sa yo na magkaisa ang mga pinoy na naglalaro ng BB.....pangalawa...alam natin lahat kung bakit may NT staff....at kaagapay daw ayon sa yo ang NT sa pagdedesisyon....itong una at pangalawang point mo ay hindi tinutu tulan....mi walang objection dito....mi hindi ko alam kung ano ang gusto mo pa palabasin para banggitin ang mga ito....

ito ang isyu....gusto mo...ayon sa suggestion mo.....na gawing botohan ang desisyon sa NT......na sasangguni ang NT manager at pagbobotohan....ng NT staff...tapos yun ang gagawin ng NT manager.....para ano sabi mo...para democratic daw....ito po yung sinagot ko at sinabi ko na nagbigay ka lang naman ng iyong opinyon.....bagamat sa pagbigay mo ng ganitong suggestion na parang ito na ang solusyon sa nakikita mo kamong....problema sa pag kakaisa....ikaw ay nagbigay ng impression ng kakulangan ng pag intindi.....na hindi mo dapat ikagalit...kasi automatiko na yun sa mga bumabasa...na makitang ang talino ng taong ito.....o kaya ay mali ang pag intindi ng taong ito.

positibo at negatibong red tape sa pag coach ng NT?....mag isip ka nga...mapikon ka lang kung habaan ko reaksyon ko dito...pero ang problem nga ....paano ka mag isip....kung yung isip mo ang problema.

next time huwag ka nga mag post sa public forum kung ayaw mo may nagbibigay ng reaksyon sa opinyon mo...ang forum ay discussion....next time....suggestion ko lang doon ka magsulat sa diary mo.....tignan mo walang mag react doon kahit mali mali mga pinag sasabi mo. try mo minsan pag may time ka.

This Post:
22
225775.151 in reply to 225775.150
Date: 5/20/2013 1:22:47 PM
Tamurong Spurs
III.10
Overall Posts Rated:
55
hindi ako galit. alam ko na forums ang napasukan ko... pero sana naman dahan dahan lang sa pagsabi ng nakaksakit sa kapwa. hindi naman basta mo na lang husgahan ang tao na mallit ang utak at hirap umintindi sa isang bagay na usapin. sa akin lang kung mali ang aking suggestion, di mali, ito'y suggestion lang..ako'y naliwanagan sa iyong paliwanag bagkos yung bitaw mo ng salitang nasabi ay minsan nakakasakit din. hindi kita kilala kong sino ka at hindi mo rin ako kilala kung sino ako. magkapareho lang tayo na mahilig at very passionate sa basketball at dito sa BB.... kabayan pagpasensyahan mo na kung maliit nag pagkaintindi ko pero sa susunod minsan dahan dahan lang sa pagbitaw ng salita kung pwede.. salamat kabayan!!! baka minsan laro tayo sa SC.....? kung gusto mo!!!

This Post:
00
225775.152 in reply to 225775.151
Date: 5/20/2013 11:53:18 PM
Overall Posts Rated:
1313
k

This Post:
00
225775.153 in reply to 225775.152
Date: 5/21/2013 7:49:10 PM
Overall Posts Rated:
127127
peace na..hehehe

@cezzz: anong ngyari sa laro s malaysia?

This Post:
22
225775.154 in reply to 225775.1
Date: 5/21/2013 8:40:33 PM
Overall Posts Rated:
153153
Anyare?? (24127)


"Anyare?" - sabi ng mga fans pagkatapos matambakan ng Malaysia ang Pilipinas sa iskor na 120-95. Nafoul-out na naman si Angel "Bad Guy" Cabutihan ngayon, oo bad guy na siya dahil ilang laro na nafoul-out siya. Hindi mapigilan ng mga pinoy ang mga mamaw ng Malaysia, sila ay may 27/39 FG at 19 FTM sa laro. "Anyare?" - tanong ng isang reporter. "Nakulangan talaga tayo sa Bigs, si Singson at Sepulveda, pangit ang kundisyon. Si Votorillo eh malamang magreretiro na." - sabi ng isang staff.

Nabigo si Tronco (6/17FG, 14 pts) sa kanyang pagbabalik, si Dispo (3/13) sa kanyang unang start, si Benedicto na kahit mamaw ang laro (26pts, 12 rebounds) at ang chansa ni Feca (23 pts, 13 rebounds) dahil sa paggraduate ni Cabutihan. "Ok ang laro ng mga "Bigs" ng Pinas na may 34/48 FG pero sinira na naman ng mga guards ang laro, as usual. Kaya hinihingkayat kong magtrain ang mga pinoy ng mga guard na may Inside skills kahit konti para naman makasabay sila sa kalaban, ganoon kasi ang guards ng ibang team" - sabi ni PH-cezzz

"Anong mangyayari?" - tanong ng marami. Crucial ang laro natin laban sa Taiwan at Iran, may konting chance pa rin tayo makapasok sa semis kung mananalo tayo diyan. If not, at least makuha natin ang 3rd place para maqualify sa repechage next season which is exciting kasi babaguhin na ang GE at hihinaan na ang mga Inside Offense ng kaunti. Pasensya sa nangyari sa Malaysia, babawi tayo next game. Mabuhay Pilipinas!

This Post:
11
225775.155 in reply to 225775.154
Date: 5/22/2013 8:39:48 AM
Fuji Rising Sun
PPL
Overall Posts Rated:
100100
Second Team:
Dahlia Mavericks
Nothing to be ashamed of as "Malaysia looks like the only team trying out there". ..kaya lang, galit manager ni Conyo. 10-man rotation lang ginamit? at hindi na nagatubili pa na ilagay ang kahit na sinong dalawang miyembro? Kung sabagay, secret weapon nga naman siya mala Sakuragi.

This Post:
00
225775.156 in reply to 225775.155
Date: 5/22/2013 11:39:50 AM
Overall Posts Rated:
153153
eh maintain mo daw kasi ang GS nya, lalo na ngayon na ang Bigs natin puros respectable na lang ang Gs.. hehehe..

This Post:
00
225775.157 in reply to 225775.156
Date: 6/13/2013 9:23:44 PM
Overall Posts Rated:
00
Magaway na lang kau sa mail wag dito hehe

Advertisement