Consolation TournamentKasalukuyang nasa ika-26 na pwesto ang Team Pilipinas sa torneyo na ito. Natalo ang team Pilipinas sa UAE sa kanilang unang laro
101-95 (24879). May 23 na diperensya sa rebounding sa laro na iyan, isa sa dahilan kung bakit natalo ang ating koponan. Isa ring dahilan ay pagkamit ng 24 fouls. Nauuna si Pitoy Montallana na may 18 pts at 9 assists para sa team Pilipinas.
Ang pangalawang laro ay laban sa Island (Iceland) na may iskor na
97-85 (24916). Nagkaroon ng matinding problema sa kundisyon ang mga manlalaro natin diyan dahilan upang magnormal ang ating koponan. Si Pitoy Montallana ulit ang nangunguna sa puntos na may 23. Si Azkal Benedicto naman ay tumala ng 18 points at 18 rebounds.
Ang pangatlong laro ay laban sa bansang Brazil na ika-23 sa rankings. Nanalo ulit tayo sa unang paging starter ni
Calvert "Pihikan" Manikan (18306077) na nakaimbak ng 28 points, dahilan para nakakuha siya ng respeto sa coach na pwede pala siya maging starter.
100-83 ang iskor (24978).
Nanalo ulit tayo sa ika-apat na laban na kung saan ay ang bansang Vietnam ang ating nakalaban
122-115 (24992). Muntikan na tayong matalo sapagkat natambakan tayo sa 3rd quarter. Pero hindi sumuko ang ating mga manlalaro dahilan ng nagkaskor tayo ng 38-25 sa 4th quarter. 32points na may 11/14 FG at 14 rebounds ang naibigay ni Mr. Nice Guy Cabutihan para sa ating koponan. Si Mr. Palengke Tronco naman ay bumalik na rin ang kundisyon sa paglalaro at nakabigay siya ng 25 points at 9 assists.
Sa unang pagkakataon ay umabot sa strong ang rebounding ng ating koponan sa kanilang huling laro. Malaking problema para sa atin ang rebounds dahil sa pagkawala ni George Singson at Alvin Votorillo. Sana ay magsasanay pa ang ating mga kababayan ng mga Totoong Sentro na may malakas na rebounding skill. Mabuhay!
Mga bago ngayon sa ating koponan:
Calvert "Pihikan" Manikan (18306077) - pihikan sa kanyang laro, minsan bwaya minsan hindi pero subok na epektibo naman sa pagiskor at depensa.
Mark Anthony "Tiktik" Querouz (15039265) - ang FP ng team, feeling pogi. Sa sobrang dami ang tinitripan na babae ito eh nangiwi ang kaliwang pisngi dahil sa mga sampal nila. Ang kapalit ni Abada pero hindi kasing fantastic subalit walastik lang.
Bernard "Lampin" Delfin (19835050) - ang crybaby ng koponan, ugaling Demarcus Cousins pero kasing galing naman nya.
Vicencio "The Skywalker" Octaviano (21313538) - Wag paloko sa kanyang position sapagkat kaya nyang maging SF.