Pinas, nilampaso ang Lebanon. 127-107 (23543)Umabot ng
20,705 na manood ang nakasaksi ng tagumpay ng mga Pilipino. Ginamit ng mga Pinoy ang 2nd at 3rd quarters para makalayo sa Lebanon, na mas sumikap kesa sa koponan natin.
Si
"Fantastico" Abada nay naging pantastik ulit, nagtala ng pinakamataas na puntos para sa mga Pinoy, 24 points na may 9/11FG. Si
"Mr. Palengke" Tronco ay ginawang palengke ang buong arena dahil sa kanya nakakasilaw na mga galaw at nakapuntos siya ng 22 at may 11/14FG.
"Grabe ang pinakita ng dalawang iyan, unang laro pa lang pero walang patawad." - sabi ng isang OFW sa Taiwan.
Malaki rin ang tulong sa mga dasal ni
"Santo Papa" Evangelista sa kanyang unang laro bilang NT player. Natawa pa ang mga manonood dahil nakita siyang nagrorosaryo bago ng laro, mayroon siyang 10 na puntos.
"Wag kayong matawa, sana naman irespeto nyo yung tao. Eh yun ang trademark nya sa laro, walang pakialamanan db?" - depensa ng kanyang mayari (isinalin lang sa Tagalog).
Si
"Conyo" Sepulveda ay maganda rin ang naipakita. Kahit nasa bench lang siya, naka 14 puntos siya sa loob lang ng 18 na minutos at siya ay nakabuzzerbeater dunk sa huling segundo ng laro.
"Hindi ko makita si boss Maro eh, nawalan ako ng gana sa laro pero inisip ko na lang na mapapanood rin nya ako sa replay. Sayang boss, maging proud ka sana sa dakdak ko!" - Sabi nya.
Walong NT na mga manlalaro ang nakapuntos ng 10 pataas. Inis na inis na si Mokong sa kanyang player na si
Discar at hindi daw tumitira ng tres.
"Pasensya na kung d ako nagpasikat sa tres, eh look inside ang laro ni coach eh. Baka pagalitan ako ni coach. Pero babawi ako kapag nasa labas na ang opensa, promise, uulan ng 3 points." - sabi nya.
Epektib ang luto ni
chef Inday na spaghetti at nagkaroon ng matinding enerhiya ang koponan. Sabi pa nga ni Inday,
"maboti nga at nasarapan sela lalo na si Papa Apolonio (Conyo), laglag talaga panty ko tuwing hinawakan neya ang bola. Kras na kras ko seya! Hihihihihi. Sa sosonod, pancit canton naman na lucky me ang lolotoin ko na may maraming hipooon.""Grabe ang suporta ng mga Pinoy sa atin, maging ang mga managers ay nandoon rin. Magandang pangitain ito. Sana maraming natutunan si Dispo, Ulan at Pacquing sa laro. Sila ang kinabukasan natin." sabi ni PH-cezzz
Ang susunod na laro ng NT Pilipinas ay laban sa PaKIStan. Tiyak na takot si Boy Conyo dito kasi trip nila mga tisoy. Mabuhay!
Last edited by PH-cezzz at 3/25/2013 9:35:40 AM