Pilipinas vs PakistanKakarating lang ng team Pilipinas sa Taiwan pagkatapos ng huling league game ng isang player. Kasama rin ang kanilang chef na si Inday, at ang manager na si PH-cezzz.
"Mas malakas ang Pakistan kumpara sa Lebanon, kaya maaga tayong dumating dito sa Taiwan para mawala agad ang jetlag kinabukasan." - sabi ng isang assistant ng team.
Injured pa rin si Wonder Boy Pelesco, napatagal ang kanyang pagbalik siguro dahil kwak kwak ang doctor ng may-ari. Gayunpaman, sumama pa rin siya para ipakita ang suporta sa kapwang player ng NT. Patuloy pa rin ang pagdisiplina ni Don-Manoah kay Pitoy tigas ulo, sa kanyang panayam kahapon eh sinabi nyang aasahan ang pagkaayos ng kanyang game shape sa susunod na linggo.
"Nasa rehab siya tuwing walang laro, eh papano man, sige yosi at inom. Walang disiplina." - sabi nya.
Bagong kasapiJohnas Dispo (24281140) - sa murang edad nya nakayanan niyang pumasok sa team. Isang player na mas magiging magaling pa kay Mr. Fantastico Abada. Kaya abangan ang manlalarong ito sapagka't napakaganda ang kinabukasan nito. Nakalaro sa
13 U21 games at nagiging allstar ng isang beses. Mayroon siyang
17.3ppg, 9.3rpg, 1.4spg, 1.5bpg sa 79 na laro.
Alas sais (6pm) ang laro natin bukas, sana maraming dumalo pero ingat2x lang sa mga manloloko bukas. April Fools eh.. Mabuhay!