Pilipinas, pinahiya ang Pakistan 122-98. (23548)Taiwan - ang combo ni Kuya Greggy at Mr. Palengke ang nagpaangat ng team Pilipinas sa kanilang pangalawang panalo sa NT round robin pool. Si Kuya Greggy ay naka 27 na puntos at naka 8 assists kahit na kinukutyahan siya ni Lolo Smithz na buwaya dahil madalas pinipilit nyang tumira kahit mahigpit ang bantay sa kanya.
"Eh natural lang naman siguro may ganung PG db? Sila kasi ang nagsetset ng opensa db? Malamang eh wala na makitang kasama kaya diretso siya tira. At saka kapag pumapasa sa kasama eh hindi rin naman nakakashoot." - depensa ni PH-Sargeras.
Si Mr. Palengke naman ay ginawang palengke ang buong manonood dahil sa kanyang swabeng mga galaw at mga "blind passes" , mayroon siyang 22 puntos at 5 assists. Madalas sila dalawa ang parating nagpapasahan at nakita ang kanilang "power duo" sa 1st at 3rd quarter.
Si Mr. Bean Votorillo naman ngayon ang tumatawa sa kanyang mga kakampi dahil nakakuha siya ng tumataginting na 17 rebounds at 18 points.
"Errrrr, hahahahaha. Brook Lopez ba ako? Ano ako tamad? Sinanay ako ng manager ko ui para magrebound. Eh mentor ko kaya si kuya Kevin Love. Kung may nakakatawa man dito eh si Conyo Sepulveda na un! Natatakot matsansingan ng mga Pakistani kaya ayaw maglaro. Hahahahahahahahaha!" - sabi nya. Si Mr. Nice Guy Cabutihan ay muntik ng maka
triple double na may 12 puntos, 13 rebounds at 9 assists pati 3 blocks rin.
Winning shot ni DispoPara kay manager Huck Finn, winning shot ang tingin nya sa unang puntos ng kanyang bata sa 4th quarter.
4 5:36 84 — 110 Sumubok si J. Dispo (H) na mag-lay up., habang binabantayan ng maigi ni H. Sharif (A). Pasok!Saya2x sa pakiramdam no? 22 pa lang siya pero walang mintis ang unang laro nya! - sabi ni Huck Finn.
Lumamang ang Pakistan sa unang quarter na may iskor na 32-24 pero nakawala ang Pilipinas sa 2nd at 3rd (na naman) dahil sa banat ng mga Guards at mga "putbacks" ng mga Sentro. Pinaupo ang mga starters sa 4th quarter, pero naalarma ang coach dahil sa 24-17 na iskor kaya ibinalik ang starters para mapalaki pa ang lamang.
Importante ang PD(Point Differential) - bulong ni Lolo Smithz sa coach ng koponan.
Ang kalaban natin sa susunod na laro ay ang Kazakhstan. Aasahan ang pagbalik ni Wonder Boy Pelesco at ang pagpapalaya sa rehab ni Pitoy Montallana. Mabuhay!